Celebrity Mom Sofia Andres Ipinasilip Ang Masayang Bonding Moments Nila Ng Kanyang Cute Baby Girl Na Si Zoe

Kamakailan nga lamang ay ikinagulat ng maraming netizens ng isapubliko ng aktres na si Sofia Andres ang kanyang pagiging isa ng ina, matapos nga niyang ipakilala sa lahat ang napaka-cute niyang anak na si baby Zoe nung araw mismo ng Father’s Day noong nakaraang taon.




Kasabay nito ay ang naging pagbati niya sa pagiging isang ganap nan gang ama ng kanyang partner in life ngayon na si Daniel Miranda.

Photo Credit: iamsofiaandres/Instagram

Si Sofia Andres ay isa sa mga young actress na hindi maikakaila ang taglay na kagandahan at husay sa pagiging isang artista, samantala ang kanya namang partner na si Daniel Miranda ay napag-alaman na isang car racer mula sa mayayamang angkan sa Cebu, at nagtataglay rin naman ng napakagwapong mukha.

Photo Credit: iamsofiaandres/Instagram

Ang naging bunga nga ng kanilang pagmamahalan ay ang kanila na ngayong ‘bundle of joy’ na si baby Zoe, isang malusog at napaka-cute na baby girl.

Photo Credit: iamsofiaandres/Instagram

Matapos na isapubliko ni Sofia ang patungkol sa anak niyang si Zoe, ay tuloy-tuloy na nga niyang binuksan ang buhay nilang mag-ina, kung saan ay madalas na nga siyang nagbabahagi sa kanyang social media ng mga kagiliw-giliw na larawan ng kanyang baby girl at ang masasaya nga nilang bonding moments.

Photo Credit: iamsofiaandres/Instagram

Makikita nga sa mga ibinabahaging larawan ni Sofia sa kanyang social media account ang madalas na pakikipag-bonding niya sa kanyang baby girl na talaga namang maging mga netizens ang kinaaliwan silang tingnan mag-ina dahil sa kagiliw-giliw at kakagil na si baby Zoe.

Photo Credit: iamsofiaandres/Instagram

Samantala, nito nga lamang nakaraan ay muling nagbahagi si Sofia ng bonding moments nila ng anak niyang si Zoe, at sa pagkakataon ngang ito ay swimming bonding nilang mag-ina sa swimming pool ang ipinasilip ng aktres.

Sa IG post ni Sofia, ay isang short video clip ang kanyang ini-upload, kung saan ito ay mahigit isang minute lamang at ang nilalaman nga ay ang naging masayang bonding nila ng kanyang anak.

Sa nasabing video ay makikita kung gaano katapang ang munting prinsesa ni Sofia, dahil sa naging pagtalon nito sa swimming pool habang inaabangan naman siya ng kanyang mommy para siya’y saluhin at alalayan.

Ang short video clip na ito ni Sofie ay nilakipan naman niya ng caption na;
“I’m just so proud of her. Such a brave one!”, ani Sofia.

Ayon nga kay Sofia ay proud siya sa ipinapakitang katapangan ng kanyang anak na si baby Zoe sa murang edad nito. Mababakas naman sa mukha ni Sofia kung gaano siya kasaya na bonding time nilang mag-ina sa swimming pool.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres)

Sa hiwalay na post naman ng aktres sa kanyang Instagram ay ibinahagi niya kung ano ang mga natutunan niya sa buhay sa pagiging isa na niyang ina, sinabi rin niya na ang kanyang pagmamahal kay Zoe ay walang kapaguran at katapusan.




Para rin kay Sofia ang anak niyang si Zoe ang best friend na matagal na niyang hinahanap sa buhay niya at ito rin ang magsisilbi niyang kalakasan sa pagharap sa anumang hamon na darating pa sa kanyang buhay.

Dagdag pa ni Sofia sa isa pa niyang IG post, hindi siya isang perpektong ina, ngunit lahat ng lahat ng kanyang makakaya ay gagawin niya para lamang maging isang responsable at mapagmahal na ina sa kanyang anak na si Zoe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *