Celebrity Mom Toni Gonzaga Ibinahagi Ang Kasiyahan Ng Makita Ang Napakagandang Transpormasyon Ng Kwarto Ni Seve

Madalas pinagmulan ng ‘stress’ o problema ng isang magulang lalo na ng isang ina ang mga nakakalat na damit, gamit o laruan ng kanilang mga anak. Kung saan ang mga kalat na ito ay hindi nga naman talaga maiiwasan, kapag ikaw ay may kasamang bata sa loob ng tahanan.




Ang TV host-actress- celebrity mom na si Toni Gonzaga, ay aminado na ito ang isa sa mga pangunahing problema niya bilang isang ina. Dahil sa hindi talaga niya malaman kung paano pa niya mas maayos at mao-organize ang gamit ng kanyang anak na si Seve.

Image Credit via YouTube

Kaya naman upang mas maging maayos at organize ang silid ng unico hijo nila ng asawa niyang si Paul Soriano na si Seve, ay kumunsulta at humingi ng tulong ang celebrity mom sa kilalang professional organizer na si Issa Guico – Reyes.

Image Credit via YouTube

Sa YouTube channel ng “Neat Obsession”, ang kumpanya ni Issa, ay makikita ang naging pagbabago nito, kung paano nila ginawa ang kamangha manghang transportasyon sa silid ni Seve, upang mas maging maaliwalas ito tingnan dahil sa naisa-ayos na nila ang mga kagamitan nito.

Image Credit via YouTube

Ibinahagi ni Toni, na dahil bagong renovate ang silid ni Seve, ay nahihirapan siya na muling isaayos ang mga gamit nito.

Image Credit via YouTube

“Kasi bagong renovate lang ang room ni Seve. Actually, parang ninety five percent done na kami. So, one of my pinaka-major problems was really organizing everything. I can organize it. Ngunit parang – buti na lang may Neat Obsessions”, ang naging pagbabahagi ng TV host celebrity mom.

Image Credit via YouTube

Sa tulong nga ni Issa ng Neat Obsessions ay naging organized na ang mga gamit ni Seve, kung kaya’t mas naging maaliwalas tingnan ang silid nito. Mula sa mga lagayan ng laruan hanggang sa mga lagayan nito ng damit, sapatos at iba nitong kagamitan ay talaga namang naging organized na lahat. Masayang masaya naman si Toni sa kinalabasan ng transpormasyon ng silid ng kanyang anak.

Image Credit via YouTube

“Alam mo iba talaga ‘yung feeling na organized ang nakikita mo and everything is put on its proper place, segregated, labeled, and ‘yung may proper area for everything. Kasi nakakainis talaga siya ng peace of mind, it relaxes your mind, it calms you. Kasi ‘yung clatters, nakaka-stress siya noh”, ani Toni.

Image Credit via YouTube

Video Credit: Toni Gonzaga/YouTube

Mas naging maluwag na nga ang kwarto ni Seve, at mas naging organisado at malinis na itong tingnan. Ang mas ikinatuwa naman ni Toni ay ang ginawa ni Issa na pag-organized sa study area ni Seve, kung saan ay maayos na ngang nakalagay ang mga libo at kagamitan nito sa pag-aaral sa mga organizer.




Para naman sa celebrity mon, ang silid ni Seve ang pinaka-paborito niyang parte sa loob ng kanilang tahanan, dahil ito ang nagpapaalala sa kanya ng kanyang buhay, dahil si Seve ang kanyang buhay.

“This whole room. This is my favorite area, because this area reminds me of my life. Seve is my life. When I come into this room, this helps me leave all of my work outside the room. Kasi when I’m here, in this room, I’m present”, ani Toni.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *