Celebrity Moms Anne Curtis At Solenn Heussaff Nag Enjoy Sa Kanilang Bakasyon Sa Boracay Kasama Ang Kanilang Mga Cute Na Anak

Marami na sa mga celebrity ngayon ang nagbabahagi ng kani-kanilang ‘unang hirit sa tag-init’ summer vacation, lalo pa’t kahit hindi pa talaga buwan ng summer, ay ramdam na ramdam na ng marami sa atin ang mainit at maalinsangan panahon.




Katulad na nga lamang ng pamilya ng mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff kasama ang kanilang baby girl na si Dahlia, na kamakailan lamang ng magbalik sa ating bansa.

Photo Credit: solenn/Instagram

Agad ngang nagkaroon ng family bonding ang pamilya, ng sila ay nakabalik na sa ating bansa, kung saan kasama ang pamilya ng kapatid ni Erwan na si Solenn Heussaff, ay masaya silang nagsama sa isang bakasyon sa isla ng Boracay.

Photo Credit: solenn/Instagram

Sa kanila ng ang naging beach summer vacation, ay ang unang pagkakataon rin na nagkita at nagkakaisa ang magpinsang baby Dahlia at baby Thylane, na agad naman ng palagayan ng loob.

Photo Credit: solenn/Instagram

Makikita naman sa naging pagbabahagi ni Solenn sa kanyang Instagram account ang kanilang family trip sa napakagandang beach ng Boracay.

Photo Credit: solenn/Instagram

Ang isang larawan ng ay makikita ang habang nasa beach sina Solenn at Anne, ay kalong kalong naman nila ang kani-kanilang mga cute baby, na hindi rin naman nagpahuli sa mga summer outfit nila.

Mayron ding larawan ang magpinsang Dahlia at Thylane, na nakaupo sa white sand ng Boracay at one-enjoy ito. Cuteness overload naman talaga ang magpinsan dahil sa twinning pa ang kanilang suot na swimsuits.

Mapapansin naman na kahit unang beses pa lamang nagkita ng magpinsang celebrity baby, ay agad na silang nag-eenjoy sa pagiging mag-playtime buddy nila.

Samantala, ang mga celebrity mom naman na si Anne Curtis at Solenn Heussaff ay relaks at kita rin ang pag-eenjoy sa beach. Ibinandera rin ng mga ito, ang kani-kanilang mga nakakamangha pa ring beach body, sa kabila ng pagkakaroon na nila ng mga anak, kung saan ay talaga namang seksing seksi pa rin ang dalawa.




Siyempre sinulit ng pamilya ang bakasyon, kung saan ang mga celebrity mom at kani-kanilang baby nga ay nagtampisaw sa magandang tubig dagat ng Boracay.

Maliban pa nga sa kanilang napakasaya ng bakasyon, ay maaninag din sa mga larawan na ibahagi nina Solenn at Ann sa kanilang Instagram account ang mala-paraisong ganda ng Boracay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *