Charee Pineda Ibinahagi Ang Pagiging 1st Time Mom Sa Edad Na 30 Taong Gulang

Maganda at Dating Aktres na Ngayon ay Isa ng Politician, Ibinahagi ang Pagiging First Time Mom sa Edad Niyang 30 Isinalang na ng dating aktres at ngayon ay isa ng councilor na si Charee Pineda ang panganay na anak nila ng kanyang asawa. Ang asawa ni Charee Pineda na si Martell Soledad ay kanyang fellow councilor.




Noon ngang ika-30 ng Nobyembre ng nakaraang taon, ay masayang ibinahagi ng 30-taong gulang na actress-politician sa kanyang Instagram account ang mga larawan ng kanyang bagong silang na sanggol,

Photo Credit: chareepineda/Instagram  

kasabay nito ay ang naging pagpapakilala rin niya sa nito sa publiko bilang ito nga ang panganay nilang anak ng kanyang non-showbiz husband.
“My answered prayer. My baby Martell Francesco Soledad!”, ang naging caption ng ani Charee sa kanyang naging post.

Photo Credit: chareepineda/Instagram

Dagdag pa nga ng magandang aktres, ay napakarami niyang ipinagpapasalamat sa Diyos sa mga magagandang nangyayari ngayon sa kanyang buhay. At pinaka-una na nga rito ay ang pagdating sa kanyang buhay ng kanilang munting anghel.

Photo Credit: chareepineda/Instagram

Pinasalamatan rin niya ang lahat ng mga taong nagdasal para sa kaligtasan nilang mag-ina, ng panahong isinilang niya ang kanilang anak.

Photo Credit: chareepineda/Instagram

“So, many blessings to be thankful for. First, thank you Lord for our super early Christmas present! Thank you for keeping us safe. Thankful for our families & friends who’s been praying for us. Thankful to our doctors who treated us like their family, Dra. Janis Palaganas & Doc. Raul Quillamor.

Photo Credit: chareepineda/Instagram

Thank you also for all the nurses who took care of me esp those who are assigned in HRPU unit. And lastly, thank you to my husband who’s been my rock from the start. Cheers to new journey with you my love and out little Cesco!”

Nagbahagi rin naman ang asawa ni Charee na si Martell sa social media account nito ng kanyang pasasalamat sa ligtas na naging pagsilang ng kanyang asawa sa kanilang anak, sa kabila ng napa-aga ang panganganak nito dahil sa 34-weeks pa lamang ito ng magsilang.

“Yung mommy kasi panay kausap kay baby na before Christmas magkita na daw sila. Lumabas tuloy agad. Hehe thank you po sa lahat ng nagdasal for Charee and baby”, naging saad nga ng mister ni Charee.

Sa kabila nga ng naging paglaganap ng krisis noong taong 2020, ay naging memorable naman ang taong ito para kay Charee Pineda, dahil nga sa napakagandang biyaya na dumating sa buhay nila ng kanyang asawa.

Ayon sa mga naging ulat, 7-taon ang naging relasyon nina Charee Pineda at Martell Soledad bilang magkasintahan, bago pa man nga sila nagpakasal.

Masaya namang ibinahagi ni Charee na siya ay buntis na, limang buwan matapos nilang ikasal, kasabay din nito ay ang selebrasyon ng kaarawan ng kanyang asawa. At ito nga ay sa pamamagitan ng pagbabahagi nila ng sonogram photo ng kanilang baby.

“And we’re three! Happy birthday, Daddy Tetel!!! Love you!!” Si Charee Pineda ay matanda na nagkaroon ng isang mahusay na pagganap sa kanyang naging karakter sa seryeng ‘Angelito: Batang Ama’ na pinagbibidahan ng aktor na si JM De Guzman.




Nakasama rin siya noon sa drama series na ‘Katorse’ na umere sa telebisyon noong taong 2009, at taong 2010 naman ay napanood siya sa “Alyna”, isa sa mga romance series ng Precious Hearts Romances.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *