Charo Santos Inalala Kung Paanong Muntik Na Siyang Mag-resign Sa ABS-CBN Dahil Sa GMA-7 Shows

Alam niyo ba na ang dating ABS-CBN President at ngayon ay Chief Content Officer ng nasabing network na si Charo Santos-Concio ay muntik ng mag-resign sa Kapamilya Network?

Photo Credit: charosantos/Instagram




Ito ay ng mga panahon na halos ang GMA-7 na ang patuloy na umarangkada na TV Network, at halos hindi na makahabol sa ratings ang mga ABS-CBN shows.

Ang pag-amin na ito ni Ms. Charo, ay mababasa sa kanyang akdang libro na may title na “My Journey: The Story of an Unexpected Leader”, na ngayon ay na i-launched na at maari ng mabili sa mga bookstore.

Photo Credit: charosantos/Instagram

Mababasa sa aklat na ito, na noong si Ma’am Charo pa ang Executive Vice President for Entertainment, ay dumaan sa krisis ng ekonomiya ang ABS-CBN Network. Ang ilan sa mga Advertisers ay iilan na lamang at maikli na ang mga ad minutes, kaya ito ang nagtulak sa network upang bawasan ang ilan sa kanilang mga operation expenses.

Ng mga panahong ding iyon, ay unti-unti ng tumataas ang ratings ng Kapuso Network. Isinulat ni Ma’am Charo sa kanyang aklat na “Our solid hold on the Top 20 shows began to slowly slip away. Our rival, GMA-7, started to close in on the lead we had for over a decade.”

Isinasaad nga rito na sa tagal ng namamayagpag ng ABS-CBN bilang No. 1 sa mga TV shows unti-unti na itong nakukuha ng kalaban nitong network.

Ito ang nagtulak sa grupo ni Ma’am Charo na mas magbigay ng pokus sa pag-gawa ng mga teleserye na kung saan ay talagang isa ang mga ito ang inaabangan ng mga manonood

Birth of the Fantaserye

Isa sa mga ginawa ng Kapamilya Network noong taong 2004 ay ang Marina, na kung saan ay dito nagsimula muli na kilalanin sa ating bansa ang mga pantaserye.

Ang pantaseryeng Marina ayon kay Ma’am Charo, ay kinunan sa mga underwater scenes na binigyan ng kakaibang biswal at mayroong mga magagandang serena na ang mga makukulay na buntot ay makikita ang humahampas sa alon.

Nang dahil sa pantasyang Marina, ay muling tumataas ang ratings sa kompetisyon ng Kapamilya network.

“We successfully defended at the competition from our primetime slot, averaging 38.6 percent audience share and peaking at 41 percent.”

Ngunit lahat nga marahil ay nagkakaroon ng problema, sapagkat ang halos kulangin sila sa production cost ng fantaserye Marina.

Tatlong magagandang lugar sa ating bansa ang pinag shooting an ng Marina at ito ay sa Anilao at Calaca sa Batangas, sa sikat na Hundred Islands ng Pangasinan.
Saad pa ni Ma’am Charo, “Despites our efforts to tighten our belts, our production budget was 50% more than the usual teleserye.”

Habang pinapalo naman sa pangunguna ang Marina sa ratings game, inilabas na naman ng GMA network ang kanilang kauna-unahang fantasy series at ito ay ang Mulawin noong 2004.

Ang istorya ng Mulawin ay ukol sa mundo ng mga taong ibon (winged humanoids), na pinagbibidahan ng dalawang magaling na artista na sina Richard Gutierrez at Angel Locsin na kalaunan ay lumipat na din sa ABS-CBN network.

Ang Mulawin ng GMA-Network ay talagang pinaghandaan at pinagkakagastusan na kitang-kita naman sa mga costumes na ginamit ng mga tauhan nito at ang mga magagandang special effects at production values na ginamit rito.

Muli namag naglabas ng panibagong fantasy series ang Kapamilya Network. Isang superhero-themed show, ang Krystala na umere sa telebisyon noong 2004 at ang bumida rito ay si Ms. Judy Ann Santos. Ngunit ayon kay Ma’am Charo, “Our budgets were thin and we were emotionally spent.”

Sa kabila ng paglalaban sa ratings ng dalawang network ay dito na nga unti-unti parang naubos na ang sense of story ng Kapamilya network.

“In the heat of the bottle, what I had feared became very obvious. We began to lose our sense of story.

“We are being hammered about ratings, cost control and profits so incessantly that we forgot about our emotional connection to our audience.”




“We Are Now No.2”

Inalala din ni Ma’am Charo sa kanyang likhang aklat kung paano noong October 2004, ang ABS-CBN ay hindi na ang una sa listahan bilang top TV Network ayon kay Vivian Tin.
“We are now NO.2.” ayon kay Vivian Tin ang dating executive ng AC Nielsen, kung saan ay pinakita niya ang TV Ratings ng mga panahong iyon.

Ayon pa kay Ma’am Charo, ay talagang nanguna na ang GMA- Network nun sa halos 20 time slot at maging sa mga primetime slot.

“TV Patrol lost to 24 Oras, Marina lost to Mulawin, and Krystala just couldn’t gain enough momentum. The gaps in the lead were devastating.”

Habang ang lahat ay hindi pa matanggap ang pangyayari at busy sa pag-argumento, sinabi na lamang ni Ma’am Charo sa mga ito na “Tanggapin na natin No. 2 na tayo.”

Dahil nga sa pangyayaring ito itinalaga ng CEO at Chairman ng ABS-CBN na si Gaby Lopez, si Cito Alejandro upang maging bagong Presidente at General Manager ng nasabing network.

Ng dahil naman dito ay naramdaman ni Ma’am Charon na siya ang kailangan sisihin sa pangyayaring naging pangalawa na lamang ang ABS-CBN sa ratings.

“We became no.2 on my watch. There was no one else to be held responsible but me.”
Ng mga panahon nga ring ito ng magpasya si Ma’am Charo na mag-resign na sa ABS-CBN, kung kaya siya at gumawa ng resignation letter na binigay niya sa kanyang executive assistant na si Linggit Tan para ito ang magbigay sa kanyang mga boss na sina Gabby at Cito.




Hindi naman tinanggap nina Sir Gabby at Cito ang resignation na ibinigay ni Ma’am Charo, maganganun man, pinayuhan nila ito na imbes na magresign ay magbakasyon muna sa trabaho upang makapag relax.

Ibinalita naman sa media ang naging baksyon ni Ma’am Charo, at naging usap-usapan nga na kaya siya nag bakasyon ay dahil sa pag protesta niya sa pagiging presidente ni Cito.

Habang nasa bakasyon na naman ay nilinaw niya ang issue na lumipat siya sa kabilang network.

“However, I decided to comeback to ABS-CBN because I feel responsible for the people there, with whom I grown up.”

Makalipas ang apat na buwan na kanyang pagbabakasyon, ay nagbalik siya sa kanyang trabaho upang muling harapin ang parehong problema na nangunguna pa rin ang GMA-7 sa TV ratings.

Nagretreat naman sa Baguio ang buong grupo nina Ma’am Charo upang pag-usapan ang mga bagay at magandang gawin para future ng kumpanya.

At pinagtuunan nila ang tanong na,” Are we really just about ratings, revenues and profit?”
Matapos nga ang naging diskusyon, muling ipina-alala ni Chit Guerrero (executive producer) ang sinabi sa kanila noon ni Geny Lopez na “Hindi ba sabi ni Kapitan, ‘We are in the Service of the Filipino’”.

Back to Work

At muli nga nanumbalik sa sa laban ng top ratings ang ABS-CBN, matapos nilang i-ere sa telebisyon ang Mga Anghel na Walang Langit noong 2005 at ang remake ng Fernando Poe Jr.’s 1970 movie.




Buong pagmamahal ng ang sinabi ni Ma’am Charo na “Finally, we were able to nudge at the lead of Mulawin. The fact that we succeeded with a simple , low budgets show against the high production values of the fantaserye, gave me even more courage to stand by our storytelling instincts.”

Nang mga panahong ding iyon inilabas ng Kapamilya Networks sa telebisyon ang drama series na Gulong ng Palad (2006), at ang nagbalik sa kanila sa pangunguna sa ratings ay ng ifranchise nila ang reality tv show na “Pinoy Big Brother’ na talaga namang tinangkilik ng mga manonood.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *