Chavit Singson Akalain Nyong May Isa Palang Napakagandang At Mala Artistang Anak

Kapag naririnig natin ang pangalang Chavit Singson, ang agad na pumapasok sa ating isipan ay siya nga ang isa sa mga kilalang mahusay at mayaman na negosyante sa ating bansa, maliban pa dito ay kilala din siya bilang isang magaling na politiko.




Minsan ng nai-feature sa ilang programa ang mala-mansyon na tahanan ni Chavit Singson at kung gaano nga kayaman ang politiko na negosyante. Isa rin sa mga nagpabilib sa mga netizens sa angking yaman na taglay ni Chavit ay ang pagkakaroon nito ng sariling mini-zoo sa kanyang lupain kung saan ay nakikita nga ang iba’t ibang uri ng hayop na ang iba ay binili pa nga niya sa ibang bansa.

Photo Credit: chelseysingson/Instagram

Sa isang tour noon sa lupain ni Chavit ay napag-alaman nga na isa sa mga alaga niya sa kanyang mini-zoo ay ang iba’t ibang klase ng tigre. At isa nga sa mga talagang hinahangaan sa kanyang mga alagang tigre ay ang white tiger.

Photo Credit: chelseysingson/Instagram

Samantala, maliban sa mga kayamanan niyang ari-arian at mga alaga niyang hayop sa kanyang mini-zoo, ay mayroon pang isang kayamanan si Chavit Singson sa buhay niya na labis niyang iniingatan, at ito ay walang iba kundi ang kanyang napakagandang anak na nagngangalang si Chelsey Singson.

Photo Credit: chelseysingson/Instagram

Ang anak ni Chavit Singson na si Chelsey Singson ay hindi lamang hinahangaan dahil sa kanyang angking kagandahan, dahil tulad ng kanyang ama ay napakayaman din nito. Ayon sa ulat, si Chelsey ay miyembro ng mga naglalakihang samahan ng mga negosyante at nagmamay-ari din siya ng isang malaking sport retail na galing sa bansang Europa.

Photo Credit: chelseysingson/Instagram

Tulad ng marami sa atin, may social media account din si Chelsey Singson, ngunit mapapansin na hindi ito ganun ka aktibo sa paggamit ng social media dahil sa ilan lamang ang ibinabahagi niya rito. Dahil nga rito ay masasabi na ang buhay ni Chelsey ay may pagka-pribado, ngunit sa kabila nito ay mayroon pa ring 63.6 libo na followers ang kanyang social media account.

Photo Credit: chelseysingson/Instagram

Matutunghayan naman sa Instagram account ni Chelsey ang iilan niyang mga larawan na nagpapakita ng kanyang angking kagandahan, at maging ang pagkahilig niya sa motorsiklo.
Maliban sa angking ganda ni Chelsey at sa mga ibinabahagi niyang larawan na nagpapakita ng pagkahilig niya sa mga motor.




Ay makikita rin ang larawan niya na kasama ang kanyang anak na lalaki na si Matteo, na ang ama nga ay walang iba kundi si Rafael Sison. Sa larawan nilang mag-ina ay mababakas ang pagmamahal ni Chelsey sa kanyang anak. Tunay nganag napakaganda at napakayaman ng anak ni Chavit Singson, ano ang masasabi niyo?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *