Cheska Garcia Nakatanggap Ng Regalo Na Bagong Kotse Mula Sa Kanyang Asawang Si Doug Kramer

Maraming mga misis ang napa-Sana All! Sa maaga at napaka bonggang Christmas gift ni Doug Kramer sa kanyang mahal na asawa na si Chesca Garcia.




Sino nga ba naman ang hindi mapapa-Sana all? Kung bago pa man ang araw ng Pasko, ay makatanggap ka na ng maagang Aguinaldo, at ang bongga pa dito ay isang “brand new car” ang matanggap mong regalo mula sa iyong asawa di ba?

Photo Credit: dougkramer/Instagram

Isa ngang brand new car ang napiling iregalo ni Doug Kramer sa kanyang asawang si Chesca para sa nalalapit na pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Photo Credit: dougkramer/Instagram

Ibinahagi naman ni Doug, na espesyal at may hugot, kung bakit isang bagong sasakyan ang pinili niyang ibigay sa asawa ngayong Pasko, at ang dahilan nga nito ay kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram post, kalakip ang larawan nil ani Chesca, kung saan ay makikita na rin sa background ang bagong sasakyan na may pa-ribbon effect pa.

Photo Credit: dougkramer/Instagram

“I still remember the day we had to sell your favorite car to meet our needs. We never fought about money, you never complained either. I just lost some hair, but that’s ok! Our joy is always fixed on Him!”

Photo Credit: dougkramer/Instagram

“Merry Christmas sweetheart! I love you! P.S. What’s yours is mine, so I get to use it too.. Hahaha!, ang naging mensahe nga ni Doug para sa asawa.

Photo Credit: dougkramer/Instagram

Inalala nga ni Doug ang araw, kung kailan kinailangan nilang ibenta ang paboritong sasakyan ng kanyang asawa, para sa pangangailangan ng kanilang pamilya.

Photo Credit: dougkramer/Instagram

Matatandaan na ika-9 ng Oktubre taong 2008, ng ikasal sina Chesca Garcia at Doug Kramer, sa Blue Leaf Events Place sa Mckinley Hill, sa Taguig City. At sa loob ng halos 12-taon nilang pagsasama bilang mag-asawa, ay tatlong anghel na rin ang ipinagkaloob sa kanila, at ito nga ay ang kanilang mga anak na sina Kendra (11), Scarlett (9) at Gavin (7).

Kung bibilangin ang taon ng pagsasama nina Chesca at Doug, mula ng sila ay maging magkasintahan pa lamang, hanggang sa sila’y maging mag-asawa na, ay nasa 16-taon na ito. At talaga namang masasabi natin na isa sila sa mga “couple” sa showbiz, na ang pagsasama ay nanatiling matatag at masaya.




Sa isang IG post ni Doug, ay makikita naman ang naging pagbabahagi niya, ng sikreto ng masaya at matatag na pagsasama nila ng asawang si Chesca. “Work through your troubles and mis understandings… never let day pass when you argue and fight.

“Sixteen years together and we have never let an argument last more than a day.
“Take down your pride. Say sorry first. Admit your own faults rather than pointing fingers. Work on what you need to do rather than trying to change your partner’s attitude. Remember, love is more than an emotion. It’s always a choice”, ang saad at tila payo ni Doug, para sa nga magkakarelasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *