Chicharon Vendor Matagumpay Na Nakapagtapos Ng Kolehiyo Sa Edad Na 41 Taong Gulang At Nagpaabot Ng Pasasalamat Sa Kanyang Mga Suki

41-taong gulang na chicharon vendor pinatunayan na hindi hadlang ang edad sa taong may pangarap na makapagtapos ng pag-aaral at makuha ang kanyang diplomang inaasam.
Si Jesus Tiwan Fuentes ay 41-taong gulang na mula sa Cebu City at kilala sa kanilang lugar bilang isang chicharon vendor na nagsusumikap para sa kanyang pamilya. Siya ay mayroong apat na anak, at sila nga ng kanyang pamilya ay naninirahan sa isang barong-barong sa Brgy. Labangon, Cebu City.




Sa kabila ng pagiging isang chicharon vendor ni Jesus at kahit mayroon siyang apat na anak na sinusuportahan, ay hindi nga ito naging hadlang sa kanya para bigyan ng katuparan ang noon pa man ay pangarap na niya, at ito nga ay ang makapag-aral at makapagtapos ng kolehiyo. Dahil sa sipag at tiyaga niya, ay naging posible nga para sa kanya na matupad ang kanyang pangarap, kung saan nito nga lamang nakaraan ay isa siya sa mga matagumpay na nagtapos sa kolehiyo.

Image Credit via Google

Nagtapos si Jesus ng kursong Bachelor of Elementary Education sa Talisay College sa Cebe. At dahil sa nakamit niyang tagumpay na ito ay labis nga ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga suki niya na na bumibili ng paninda niyang chicharon. Sa kanyang Facebook account ay nagbahagi si Jesus noong ika-5 ng Hulyo 2022 ng appreciation message para sa lahat ng mga suki niya.

Image Credit via Google

“Sa aking mga suki sa chicharon, maraming salamat sa pagsuporta ninyo sa aking maliit na paninda, kahit maliit basta palagi. Mainit, umulan, pupunta ako sa inyong mga tahanan isa-isa para lamang makasustento ako sa aking mga anak at aking pamilya.”, bahagi ng kanyang post.

Image Credit via Google

Ani pa ni Jesus, bahagi ng kanyang tagumpay na ito ang kanyang mga suki, dahil ang patuloy na pagtangkilik ng mga ito sa kanyang paninda ang nagin daan upang maigapang niya ang pag-aaral niya habang sinusuportahan niya ang kanyang pamilya.
“Kasama kayo sa aking achievement sa buhay”, aniya pa.

“Kahit na nagsasawa na kayo sa aking mukha sa pagbalik-balik ko sa inyong mga tahanan, bumili pa din kayo sa akin. Maraming salamat mga suki. “Bili pa din kayo chicharon ko, ha,” pahabol na biro pa nga ni Jesus. Hindi rin nakaligtaan ni Jesus na magpaabot ng pasasalamat sa mga naging guro niya.

“Dahil sa inyo nakatapos ako sa aking pag-aaral at hindi ako natanggal sa aking dream course, maraming salamat sa opportunity dahil sa inyo nakapagtapos ako”, pasasalamat ni Jesus sa kanyang mga guro.

Sa ulat na inilabas ng Cebu Daily News ay ibinahagi nga ang naging buhay ni Jesus, kung saan dahil nga sa kahirapan ng pamilya ay naging pahinto-hinto siya sa kanyang pag-aaral. Siya ay bunso sa anim na magkakapatid, at nasa edad 22 na ng siya ay makapagtapos ng high school.

Matapos maka-graduate ng high school, sa edad na 23 ay nakapag-asawa na si Jesus at sila nga ng misis niya ay nagkaroon ng apat na mga anak na sa kasalukuyan ay nasa edad na 17,14,10 at ang bunso nga ay nasa siyam na buwan pa lamang.

Kahit nga naging pamilyado na, hindi pa rin nakalimutan ni Jesus ang pangarap niyang magtapos ng kolehiyo, kaya naman noong taong 2018 siya ay naglakas-loob na muling pumasok sa kolehiyo. Sa kabila nito, may mga pinagdaanan din siya, katulad na lamang ng pagiging tutol ng kanyang asawa, dahil nga para rito ay dagdag gastusin lamang ito para sa kanila.




Ngunit dahil nga sa talagang pangarap ni Jesus ang makapagtapos ng kolehiyo ay nagpatuloy siya, at ngayon nga ay proud siya sa tagumpay nakamit niya. Umaasa siya na makakahanap siya ng mas maayos na trabaho, upang mabigyan ng mas maayos na buhay ang kanyang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *