Bilang isa sa mga stars na mapapabilang sa pinaka-latest na series sa iWant Original na Beach Bros, ay inamin ng aktres na si Chie Filomeno na handa na siyang i-flaunt ang kanyang seksing pangangatawan, matapos nga ang matagumpay na pagla-launched sa kanya bilang bagong celebrity ambassador ngayong taon ng isang popular na inumin sa ating bansa.
Ayon kay Chie isa sa mga gagawin niya sa naturang palabas ay ang magsuot ng skimpy clothing, at dahil sa handing-handa na ang pangangatawan niya sa ganitong eksena, ay hindi nga umano ito problema para sa 25-taong gulang na aktres.

Paglalahad pa ng aktres, sa kanyang pagsusuot ng swimsuit at pagbabandera ng kanyang seksing pangangatawan ay nais din niyang magbigay empower sa mga kababaihan na tulad niya.

“May investment yung pagsusuot ko ng swimsuit kasi I love my body and I want to empower women also with the same body type. Kasi ang daming payatin din sa atin, flat-chested, ganun. Gusto ko lang sabihin sa kanila na wear whatever you want, ikaw ang bumili niyan, nag-workout ka, pinaghirapan mo yan, ipakita mo ang gusto mo ipakita. No judging.

Dagdag pa ni Chie, “You know yourself better than anyone and pagod na pinagdaanan mo and as long as you know that your body is health, your mind is healthy and also your soul, yun lang talaga eh. Kahit anong suotin ko diyan, may sasabihin at sasabihin ang tao eh. So pasok lang dito tapos labas na dito.”

Samantala, tulad ng ilang mga kababaihan, aminado si Chie na iba’t ibang mga dyeta ang sinubukan niya upang ma-ahieve ang magandang pangangatawan, hanggang sa makita na nga niya kung ano ang mas mag-work sa kanyang katawan para ma-achieve ang gusto niyang body figure.

“I give my body what it needs. Hindi ko dini-deprive yung body ko kasi hindi ako naniniwala sa diet na you have to starve yourself. Iba iba kasi tayo ng katawan. Iba iba din yung kailangan ng katawan natin so kailangan talaga natin alamin kung ano yung kailangan ng katawan natin.

Ibinahagi ni Chie na isa sa mga diet na sinubukan niya ay ‘yung tipong tubig-tubig lang, ngunit hindi nga umanoito naging mabisa para sa kanya, dahil ang mas naging epektibo nga na pagpapapayat sa kanya ay ang pag wo-workout kahit na tuloy-tuloy pa rin naman ang pagkain niya ng mga food na gusto niya. Nakatulong din umano sa kanya ang pagsasayaw.
“Kasi dumaan ako sa tubig lang ang iniinom ko, yung mga ganun. Yung mga diet na hindi naman nag-wowork sa akin. Ang daming diet diyan. Ang nag-work sa akin yung kailangan talaga yung masipag. Hindi naman ako gumising na ganito na yung katawan ko.
Talagang we work hard for it. Kakain tapos mag-wo-workout tapos kakain. Ganun talaga ako. Workout talaga and sumasayaw din ako (laughs). I think yun yung cardio ko. Kasi ayoko talaga pumayat, gusto ko magka-muscle. So weights and palakas.”
Ikinuwento naman ng 25-taong gulang na aktres na matapos ang pagti-taping nila ng Beach Bros ay naging ka-close niya ang mga co-star niya dito na sina Kyle Echarri, Kira Balinger, Angelica Lao, Brent Manalo, Raven Rigor, Sean Tristan, at Lance Carr. Ang iWantTFC original series na Beach Bros ay si Victor Villanueva ay direktor at ito ay mapapanood sa streaming ng iWantTFC ngayong buwan ng Hulyo.