Child Star Na Si Jana Agoncillo Sa “Ningning” Nakapagtayo Ng Sariling Bahay

Matatandaan na ang cute at bibong bata na si Jana Agoncillo, ay isa sa mga child star ng ABS-CBN network na napanood natin noon sa mga teleseryeng ‘Ningning, Dream Dad, Honesto at Bagani.’ Minsan na rin siyang naging bahagi ng tatlong episode ng drama anthology na “Maalaala Mo Kaya” o MMK.



Dahil sa kanyang mahusay na pag-ganap sa bawat karakter na ibibigay sa kanya, ay talaga namang isa si Jana Agoncillo sa mga batang hinahangaan ng maraming mga manood. Kaya naman, hindi naging posible sa batang ito, na mabigyan pa ng maraming proyekto, kung saan mas lalo pa niyang naipapakita ang kanyang husay sa pag-arte.
Photo Credit: janapatching/Instagram
Minsan pa nga nating napanood ang child star na si Jana Agoncillo, sa isang malaking pelikula na pinalabas sa “big screen”, at ito nga ay ng mapabilang siya sa mga pelikulang “Mano PO 7: Chinoy” at “Everything About Her”.
Bilang isang bata, ay masasabi nga natin na marami ng magagandang pangyayari sa karera ni Jana sa showbiz na talaga namang naging daan upang matupad niya ang mga pinapangarap niya sa kanyang buhay, at isa na nga dito ay ang pagkakaroon niya ng sarili bahay para sa kanyang pamilya.
Photo Credit: janapatching/Instagram
Sa kanyang Instagram post, nitong nakaraan lamang, ay masayang ibinahagi ng batang aktres, na siya ay nagsisimula na sa pagpapatayo ng kanyang sariling bahay. Ayon kay Jana, ay maliit lamang ang bahay na kanyang isinagawa, ngunit magkaiba man ay ipinagmamalaki niya ito, dahil batid niya na ito’y bunga ng kanyang pagsusumikap.
Photo Credit: janapatching/Instagram
“Kahit maliit, basta galing sa marangal na pinaghirapan mo, just proud and grateful.”
Hindi naman makakalimutang magpasalamat ng child star sa Poong Maykapal, ang magpasalamat sa lahat ng mga biyayang natatanggap niya sa kanyang buhay, ito man ay maliit o malaking bagay. Ipagpasalamat rin ni Jana, ang pagkakaroon na nila ng sariling bahay na kanilang masisilungan.
Photo Credit: janapatching/Instagram
“Thank You Jesus, for making way and aligning everything I love you Jesus, may masisilungan na kami. To God be the Glory. Namaste Universe.”
Nanatili naman ang pagiging positibo sa buhay ni Jana Agoncillo, sa kabila ng krisis na kinakaharap ng marami sa atin ngayon.
“Naniniwala ako, na makakabangon tayo ng sabay sabay at gagawa ng paraan ang Maykapal para magkaunawaan na ang bawat isa, dahil sa huli tayo tayo rin ang magkakasama at magtutulungan.”



Tunay nga naman, na kung ang pagsisikap sa buhay ay samahan ng pasasalamat at pagtitiwala sa Poong Maykapal, ay hindi magiging mahirap na marating moa ng katuparan ng iyong mga pangarap sa buhay.
Ito nga ay pinatunayan ng batang aktres na si Jana Agoncillo, na kung saan sa lahat ng biyaya at tagumpay na kanyang pinag sumikapan sa buhay na kanya ng makamtan, ay hindi siya nakalimot magpasalamat sa Poong Maykapal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *