China Roces Ibinunyag Na Sa Publiko Ang Pagkakaroon 14 Taong Gulang Na Anak

Matapos itago ng 14-taon, ngayon ay matapang at wala na ngang pag-aalinlangan na ipinakilala ng vlogger at dating calendar model na si China Roces sa publiko ang kanyang panganay na anak, na ngayon ay isa ng dalaga.




Nito nga lamang nagdaang ika-7 ng Pebrero, kung inyong mapapanood ang latest vlog ni China, ay nakita niyo ang kasa-kasama niyang isang magandang dalaga na kapansin-pansin ang pagkakahawig sa kanya.

Photo Credit: yourbabychina/Instagram

Sa nasabing vlog ngang ito, ay proud ng ipinakilala ni China kung sino ang naturang dalaga, at ano ang parte nito sa kanyang buhay. “This is the time na ipakikilala ko sa inyo ‘yung anak ko at sana huwag niyo akong i-judge kasi mahal na mahal ko yung pamilya ko ‘yung mga anak ko”, ang naging pa-una naging pahayag ni China.

Ayon nga kay China, ang kasama niyang dalaga, ay kanyang panganay na anak, at ito nga ay kanya ng ipinakikilala sa lahat. “Ito na si Lyme Dine, malaki na siya, dalaga na siya”, ani China.

Photo Credit: yourbabychina/Instagram

Si Lymhie Dine ay nasa 14-taong gulang na ngayon, kaya naman lumalabas na sa parehong edad nito ay ang ilang taon rin siyang itinago ng kanyang ina sa publiko.
Ang edad naman ngayon ni China ay 31-taon na, at ibig sabihin ng lamang nito, ay medor de edad pa siya ng isinilang niya ang panganay niyang anak.

Photo Credit: yourbabychina/Instagram

Maliban nga sa naging pagpapakilala ni China kay Lymhie sa publiko sa kanyang latest vlog, ay nilinis rin ng vlogger kung ano ang kanyang naging dahilan upang itago ang anak sa publiko.

Photo Credit: yourbabychina/Instagram

Ayon nga sa dating calendar model, hindi niya talaga intensyon na ilihim sa lahat ang kanyang pagkakaroon ng anak, ngunit dahil sa uri ng kanyang trabaho noon, ay kinakailangan niya itong gawin.

Photo Credit: yourbabychina/Instagram

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami, na bilang isang modelo na dati nang trabaho ni China, ay kinakailangan sa kwalipikasyon nito ang dalaga pa at walang anak, ito ay upang maging maganda ang imahe nito sa lahat.

Dagdag pa ni China, noon nga ay takot siyang makatanggap ng diskriminasyon, dahil sa kanyang trabaho bilang isang modelo, ay maaari siyang mawawalan ng trabaho, kung malalaman na siya ay mayroon ng anak.

“Ang masasabi ko lang, dati kasi ako nagtatrabaho ako ‘diba dinidiscriminate ng mga tao kapag may anak na daw. Sa mga nakakakilala sa akin, nag-FHM model ako, nag-calendar girl ako kung saan-saan na brand.

“Siyempre, kung sinabi ko siguro sa kanila dati na may anak ako baka hindi na nila ako tanggapin. At saka that time hindi naman halata…. Isipin n’yo may anak na ko n’un pero napaka-sexy ko pa rin n’un.”

Hindi nga maikakaila, na sa kabila ng pagkakaroon na noon ng anak ni China ay taglay pa rin nito ang magandang hubog ng katawan, idagdag pa ang kanyang magandang mukha, kaya naman ipinagpatuloy niya ang trabaho bilang modelo.

Video Credit: China Roces/YouTube

Ipinakita rin sa naturang vlog ang ilang mga larawan nina China at Lymhie na nagpapakita ng malaking pagkakahawig nilang dalawa, na nagpapatunay lamang na sila ngang dalawa ay mag-ina.




Magbigay naman ng kanyang mensahe ng pasasalamat si Mhie para sa mga taong sumuporta at tumanggap sa kanya, bilang anak ni China.

“Ang masasabi ko po, is thank you po sa lahat ng suporta sa pagtanggap n’yo po sa akin bilang anak nga po ni China Roces.” Bago naman matapos ang vlog, ay inanunsyo rin ni China ang pagkakaroon ng YouTube channel ni Lymhie, at hinikayat ang kanilang mga tagasuporta na abangan ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *