China Roces Labis Ang Kasiyahan Dahil Sa Engagement At Pangarap Na Buong Pamilya

Si China Roces ay isa sa mga sikat na model at vlogger sa Pilipinas, at batid natin na noon pa man ay bukas na sa publiko ang kanyang buhay pag-ibig.
Matatandaan na ang huling naging karelasyon ni China bago pa man ang karelasyon niya ngayon ay ang kapwa vlogger niyang si Tim Sawyer,




at naging masalimuot nga ang pagsasama nila. dahil dito ay dumating pa nga sa punto na humantong pa sa programang “Tulfo in Action” ang problema ng dalawa, hanggang sa umabot na ito sa demandahan.

Photo Credit: yourbabychina/Instagram

Mayroong isang anak si China at dati niyang karelasyon na si Tim Sawyer, ngunit sa kabila ng pagkakaroon na nila ng supling ay nauwi pa rin nga ang kanilang pagsasama sa hiwalayan, kung saan isa nga ito sa mga naging malaking usapan noon sa mundo ng social media.

Photo Credit: yourbabychina/Instagram

Samantala, magmula ng mangyari ang malaking isyu na ito sa buhay ni China ay marami na ang sumubaybay sa kanyang buhay.

Photo Credit: yourbabychina/Instagram

Matatandaan na ipinakilala ni China kamakailan lamang sa publiko ang kanyang anak na dalaga, na agad namang tinanggap ng kanyang mga tagahanga at tagasuporta. Mas naging maluwag at masaya nga ang kanyang buhay ng mas maging bukas pa siya sa publiko.

Photo Credit: yourbabychina/Instagram

Mas lalo namang nasiyahan ang mga tagahanga ni China para sa kanya ng nito lamang nakaraan ay ibahagi niya sa lahat na masaya at makulay ang kanyang buhay pag-ibig ngayon. Ito ay matapos niyang ibahagi na siya ay engaged na.

Photo Credit: yourbabychina/Instagram

Makikita sa Facebook post ni China ang proud niyang pagbabahagi ng larawan kung saan ay kasama niya ang kanyang pamilya at ang ngayon ay karelasyon nga niya. Kalakip ng larawan na ito, ay ang caption na inilagay ni China na;
“SEALED WITH A KISS AND INDEED GOD ANSWERS PRAYERS.”

Sinabi nga ni China na para sa kanya ay kasagutan sa kanyang mga dasal ang pagdating sa kanyang buhay ng nobyo niya ngayon na si Papi Paul. Dagdag pa niya, nagpapasalamat siya sa kasintahan dahil kahit na mas bata ito sa kanya, ay ipinaparamdam nito na mahal na mahal siya nito.




Ayon pa kay China, si Papi Paul din niya ang naging kasagutan sa matagal na niyang pangarap sa kanyang buhay, at ito nga ay ang magkaroon ng isang masaya at buong pamilya. Bumuhos naman agad sa comment section ni China ang “congratularoty message” mula sa mga kaibigan niya, tagahanga at kapamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *