Chinita Princess Na Si Kim Chiu Pinahanga Ang Mga Netizens Dahil Sa Mga Naggagandahang Larawan Sa Kanyang Kaarawan

Noong ika-19 ng Abril ay ipinagdiwang ng tinaguriang Chinita Princess ng Pinoy Big Brother noon at sikat na aktres na ngayon na si Kim Chiu ang kanyang ika-31 taong gulang na kaarawan.




At sa espesyal na araw nga na ito sa kanyang buhay, ay ibinahagi ng aktres sa kanyang socmed ang mga nag-kagandahan niyang mga larawan, na kinunan sa kanyang naging birthday photo shoot.

Photo Credit: chinitaprincess/Instagram

Sa larawan ng ang ibinahagi ng aktres at tinaguriang Chinita Princess noon sa Pinoy Big Brother ay makikita ang kanyang taglay na kagandahan na hinangaan ng marami sa kanya.

Photo Credit: chinitaprincess/Instagram

Kalakip naman ng larawan ay ang caption niya, kung saan ay ipinagpasalamat niya ang panibagong taon ng kanyang buhay at ang mga taon din na lumipas sa kanyang buhay na napuno na nga ng iba’t ibang istorya.

Photo Credit: chinitaprincess/Instagram

“We age not by years but by stories. Cheers to LIFE… 3+1!!!”, ang naging caption ng ani Kim.
Makikita naman sa isa pang post ng ngayon ay isa na rin sa mga It’s Showtime host na si Kim Chiu, ay ibinahagi rin niya ang kanyang hindi matatawaran na pasasalamat at pagiging grateful sa pagmamahal na kanyang natatanggap mula sa mga mahal niya sa buhay.

Photo Credit: chinitaprincess/Instagram

“Today I woke up feeling extra grateful! Today I woke up with a smile on my face while reading all your messages for me and caption post too!“Today I woke up receiving so much love from everyone!”, ang pahayag pa nga ng aktres.

Photo Credit: chinitaprincess/Instagram

Dagdag pa ni Kim labis din niyang pinasasalamatan ang lahat ng mga taong nakapaligid sa kanya, lalo na nga ang mga taong patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanya.

Photo Credit: chinitaprincess/Instagram

“Today is a special day and I thank our Father Almighty for this beautiful life He gave me.
Thank you for all the greetings, my heart is full. Kakagising ko pa lang pero parang dulo na ng araw ko yung natatanggap kong pagmamahal. I JUST WANT TO SAY THANK YOU FOR BEING WITH ME. Mahal na mahal ko kayo! Maraming salamat!”, ani pa ni Kim.

Photo Credit: chinitaprincess/Instagram

Samantala, base nga sa naging ulat ang nag-gagandahang mga larawan ni Kim sa kanyang naging birthday photoshoot ay kuha ni Gee Plamenco Jr., isang kilalang celebrity photographer.




Sa ngayon nga ay araw-araw nating napapanood si Kim Chiu bilang isa sa mga host ng variety noontime show ng Kapamilya network na “It’s Showtime”, kung saan kamakailan nga lamang sa isang episode ng nasabing programa ay binati si Kim ng kanyang mga kasamahan at hind inga niya napigilan ang maluha dahil sa mga nakaka-touch na mensahe ng mga ito para sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *