Chito Miranda Muling Bumilib Sa Pagiging Isang Wais Na Misis Ng Kanyang Asawang Si Neri Naig

Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng marami ngayon dahil sa krisis, ay patuloy namang pinapatunayan ng misis ni Chito Miranda, na hindi hadlang ang nararanasan natin ngayon upang hindi niya matupad ang kanyang mga pangarap.




Muli ngang bumilib ang bokalista ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda sa kanyang misis, dahil sa pagiging wais at madiskarte nito. Nito nga lamang nakaraan, ay ibinahagi ng singer-songwriter na si Chito Miranda ang isang bagay na inakala niyang hindi makakayanang panindigan ng kanyang misis,

Photo Credit: mrsnerimiranda/Instagram

ngunit pinatunayan nga sa kanya ng kanyang asawang si Neri na “walang mahirap sa taong nagsisikap” kaya naman talagang ibinandera ni Chito ang nakakabilib na namang nagawa ng kanyang asawa.

Photo Credit: mrsnerimiranda/Instagram

Sa kanya ngang IG, ay ipinost ni Chito ang bagong property na naipundar ni Neri , at kalakip nga nito ay ang naging pag-amin ni Chito na noon nga ay talagang nag-worry siya na baka mabaon sila sa utang kung bibilhin nila ang naturang property dahil sa napakamahal nito.
Ngunit, sinabi nga ni Chito na talagang bilib na bilib siya sa kanyang asawa dahil nagawan nito ng paraan na mabili ang property ng hindi sila nangungutang .

Photo Credit: mrsnerimiranda/Instagram

“Kinausap niya ‘yung may-ari ng lupa, at nakiusap siya na kung pwede ba [raw] na hulugan, and I was pleasantly surprised na pumayag sila sa terms ni Neri”, ani Chito. Dagdag pa ni Chito, ay muli nga namang ipinakita sa kanya ng misis niya kung gaano kahalaga na mag-focus ka sa iyong goal sa buhay, upang mabigyan mo ng katuparan ang mga ito.

Photo Credit: mrsnerimiranda/Instagram

“Again, she showed me how it should be done: Dream big. Work hard. Focus on yor goals, and never give up.” Ibinahagi rin ni Chito na noon ngang buwan ng Oktubre taong 2020, at natapos ng mabayaran ng kanyang misis na si Neri ang last payment para sa lupain na binili nito. Kung kaya naman ito ay talagang kanila na.

Photo Credit: mrsnerimiranda/Instagram

Saad pa ng bokalista, plano nilang mag-asawa na taniman ng iba’t ibang punong-kahoy at halaman ang naturang property. Pagagawan rin umano nila ito ng isang maliit na bahay kubo, upang kung gugustuhin nila ng isang lugar kung saan sila makakapag-relaks at makakatambay ng kanilang pamilya, ay pwedeng pwede sa property nila na ito.




Talaga nga namang kamangha-mangha ang pagiging wais na misis ni Neri Naig, lalo pa’t kahit dumaranas tayo ng krisis dahil sa krisis ay marami pa rin siyang nagagawa sa loob ng kanilang bahay na nakakatulong nga sa kanya na matupad ang kanyang mga pangarap. Tunay nga na kapag ang isang tao ay desidido at masipag, ay walang imposible na maging matagumpay sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *