Christmas Bonus At Isang Salo Salo Ang Inihandog Ni Megastar Sharon Cuneta Sa Kanyang Mga Kasambahay

Si Sharon Cuneta, ay nakilala ng publiko bilang “Mega Star” ng Philippine showbiz, ito ay dahil sa kanyang angking husay at galing hindi lang bilang isang mang-aawit, kundi maging bilang isang aktres. Bukod sa pagiging isa niyang celebrity ay isa rin siyang ilaw ng tahanan ng kanyang pamilya.




Maliban pa nga sa mga ito, ay isa ring butihing amo o employer si Mega Star Sharon Cuneta sa kanyang mga kasambahay. Kaya naman ngayong buwan ng Disymebre, kung kailan ipinagdidiwang nating lahat ang tunay na diwa ng Pasko, ay hindi niya nakalimutan ang kanyang resposibilidad sa kanyang mga kasambahay.

Photo Credit: reallysharoncuneta/Instagram

Dahil hindi pa nga lubusang natatapos ang taon, nakatanggap ng Aguinaldo ang mga kasambahay ni Sharon mula sa kanya, na nagbigay ng kasiyahan sa mga ito.

Photo Credit: reallysharoncuneta/Instagram

Handog ni Mega Star ngayong Kapaskuhan sa kanyang mga kasambahay, ay ang pagbibigay ng Christmas bonus sa mga ito, na siyang pag-alaala rin sa mga kabutihan at kasipagan ng mga ito, bilang mga kasama nilang Pamilya sa loob ng kanilang bahay, na siyang pinagkakatiwalaan nila sa mga bagay-bagay tulad ng paglilinis at pagluluto.

Photo Credit: reallysharoncuneta/Instagram

Sa Instagram account ni Mega Star, ay ibinahagi niya ang isang video, kung saan ay makikita ang masasayang ngiti ng kanyang mga Yaya at kasambahay, habang iniaabot niya sa mga ito, ang isang sobre na kulay brown, na ang nilalaman ay ang handog niya para sa mga ito na Christmas bonus.

Photo Credit: reallysharoncuneta/Instagram

Hindi nga lamang ang Christmas bonus ang naging handog ni Mega star para sa kanyang mga kasambahay, dahil ipinaghanda rin niya ito ng mga pagkain, upang magkaroon sila ng munting salo-salo.

Kitang-kita nga sa mga kasambahay ni Mega Star Sharon Cuneta, ang labis na kasiyahan na dulot biyayang handog sa kanila, ng kanilang butihing amo.

Marami namang mga netizens na nakapanood ng video, ang natuwa sa ginawa ng Mega star, at ang iba pa nga ay hiniling na sana si Sharon na lamang ang kanilang naging amo, dahil sa kaybuti nito.




Narito nga ang mga naging komento ng mga netizens; “Baka pwede po mag-apply hahahahha Merry Christmas po! ” “Pangarap ko maging Yaya, yay ani Sharon Cuneta.”
“Sana all may pa-bonus.” “Such a generous soul.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *