Ciara Sotto Ibinahagi Kung Gaano Siya Ka Thankful Na Natagpuan Niya Ang Kanyang Boyfriend Na Si Ian Austin

Halos apat na taon na rin ang lumipas ng kumpirmahin ni Ciara sa publiko na siya ay hiwalay na sa dating asawa niyang si Joe, kung saan ay umalis na umano siya sa kanilang bahay at tuluyan na itong iniwanan dahil sa pagkakaroon ng third party.




Taong 2019 ng tuluyang mapawalang bisa ang kanyang kasal sa dating asawa.
Samantala, dahil sa kanyang pagiging isang ‘single mom’ sa kanyang 4-taong gulang na anak na si Crixus, ay mayroong naging kundisyon si Ciara noon, sa mga nagbalak na manligaw sa kanya o bago siya tumanggap ng manliligaw.

Photo Credit: pinaypole/Instagram

Ayon sa kanya, kinailangan munang matanggap ng lalaking manliligaw sa kanya ang anak niyang si Crixus, dahil kung hindi, ay hindi ito ang lalaking nararapat para sa kanya.
“If you can’t live with that, I think that’s not the right guy for me”, ani Ciara.

Photo Credit: pinaypole/Instagram

At ngayon nga ay nakatagpo na ng actress-TV host ang lalaking magpapatibok sa kanyang puso , na buong puso ring tinanggap ang kanyang anak, at ito nga ay ang kanyang boyfriend ngayon na isang Half Filipino-American na si Ian Austin.

Photo Credit: pinaypole/Instagram

Isang prop builder at sculptor Ian Austin, at magatal na nga umano silang magkakilala ni Ciara. Nagkakilala umano sila noon sa Las Vegas Nevada, ngunit ng mga panahong iyon ay pareho silang may mga karelasyon.

Photo Credit: pinaypole/Instagram

Matatandaan naman na taong 2018 ng ipakilala ni Ciara Sotto sa publiko si Ian, kung saan ay nag-post siya sa kanyang Instagram account na kasama ito, at may caption na “love”.
Noon nga lamang nakaraang taon, buwan ng Agosto 2020, ay ipinagdiwang nina Ciara at Ian ang kanilang ika-2 anibersaryo bilang magkasintahan.

Photo Credit: pinaypole/Instagram

Para naman sa aktres ay napaka-swerte at blessed niya sa kanyang boyfriend, dahil maliban sa tanggap nito ang kanyang anak na si Crixus, ay very close din ang mga ito sa isa’t isa. Maliban pa dito ay marespeto at gentleman din si Ian, hindi lang sa kanya kundi maging sa kanyang mga magulang.

Photo Credit: pinaypole/Instagram

Sa ipinakita ngang pagpapamahal at pagrespeto ni Ian sa pamilya ni Ciara, ay naging botong-boto dito ang mga magulang ng aktres na sina Tito Sen at Tita Helen.
Makikita naman sa Instagram ng aktres ang naging pagbabahagi niya ng isang appreciation message para sa kanyang boyfriend na si Ian.

“Grateful for Ian. I cannot thank the Lord enough for bringing Ian into my life. For me, he’s the sweetest guy ever! I don’t remember being this ‘kilig’ with anyone less but him (excuse the cheese hahaha!)

Apart from making me feel special and treating me like a princess, he is one who comes me down by simple having the right words to say. He knows when I feel bad, shows how much he cares for me, and helps me out in every way he can even before I ask for it.

Thank you for your sweet ways, I wouldn’t have it any other way. Thank you being very loving to Crixus, it makes my heart full seeing him enjoy your company so much! I love you Babe!”




Dating co-host ng longest noontime show na Eat Bulaga ang actress, professional pole dancer at trainer na si Ciara Sotto. Naging ka-loveteam rin siya noon ni Paolo Ballesteros. Maliban pa nga rito ay isa na rin siyang fulltime mommy ngayon sa kanyang anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *