Cindy Kurleto Nagsalita Ukol Sa Tsismis Na Nagkarelasyon Sila Ni Bossing Vic Sotto Ngunit Inamin Rin Na Naging Sila Ni Jericho Rosales

Kamakailan lamang ay nagkaroon ng Q&A session ang model at dating ‘Eat BUlaga!’ Dabarkads na si Cindy Kurleto sa kanyang Instagram story, kung saan ay game na game niyang sinagot ang ilang mga kontrobesyal na katanungan na ibinato sa kanya ng mga IG followers niya.




Isa sa mga tanong na matapang na sinagot ng dati ring aktres, ay ang katanungan ng isang netizens kung totoo bang naging boyfriend niya si Bossing Vic Sotto.
“Is it tru that Vic Sotto courted you?, diretsahan ngang tanong ng netizens.

Photo Credit: cindy_kurleto/Instagram

Nang sagutin ito ni Cindy ay nauna muna niyang ipinost ang litrato nila ng TV host-comedian na kinunan sa isang episode noon ng Eat Bulaga, kung saan ay isa na siya sa mga host noon ng nasabing show. Maliban rito ay isa pang larawan ang kanyang ibinahagi, at ito naman ay kuha noong siya ay lumabas sa noontime show, bilang isang guest palang nito.

Photo Credit: cindy_kurleto/Instagram

Kalakip ng larawan na ito na ibinahagi ni Cindy, ay ang naging caption at kasagutan na niya sa tanong sa kanya ng netizens na; “No, Vic never courted me, I considered him as a friend. We were both in happy relationship during the years we worked together.”

Photo Credit: cindy_kurleto/Instagram

Kasunod nga nito, ay ang naging pag-amin ni Cindy Kurleto na siya ay may naging boyfriend sa showbiz, at ito nga ay ang award-winning actor na si Jericho Rosales. Ibinahagi ni Cindy, ang larawan niya kung saan ay kasama niya ang aktor, at dito ay inamin nga niya na naging boyfriend niya ito noon ng halos dalawang taon.

Photo Credit: cindy_kurleto/Instagram

Dagdag pa ng modelo, naghiwalay sila ni Jericho noon dahil sa nakilala niya ang lalaking ama na ngayon ng kanyang mga anak. “Left him for the man who became the father of my children. Someone, somewhere will not like this post, but I’m not lying.”, ang naging saad ng ani Cindy.

Photo Credit: cindy_kurleto/Instagram

Matatandaan na taong 2003, ay naging usap-usapan na si Cindy Kurleto, ang naging dahilan ng hiwalayan ng magka-loveteam on and off screen na sina Jericho Rosales at Kristine Hermosa.

Photo Credit: cindy_kurleto/Instagram




Sa ngayon, ay may kanya-kanya na ngang buhay ang tatlo. Dahil si Jericho ay ikinasal na sa kanyang asawang si Kim Jones, si Kristine ay masaya na sa piling ng asawa niyang si Oyo Sotto, at si Cindy ay may sarili na ring buhay kasama ang binuo rin niyang pamilya.

Photo Credit: cindy_kurleto/Instagram

Samantala, noong nakaraang taon ay sinabi ni Cindy Kurleto na balak na sana niyang manatili sa Pilipinas kasama ang kanyang pamilya, matapos ang kanilang 10-taong paninirahan sa Peru, ngunit dahil sa pagkakaroon ng pandemya, ay hindi nan a ito natuloy pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *