Claudine Barretto Sumabak Sa Sikat Na Jojowain O Trotropahin Challenge

Sino Kaya sa Mga Nag-gagwapuhang Aktor ang Type Dyowain ng Aktres Patok na patok ngayon sa mga celebrity ang mga challenges, at isa na nga sa mga ito ay ang “Jojowain o Totropahin challenge, na talaga namang ine-enjoy nila, lalo na ng mga magkaka-barkadang celebrity.




Kabilang sa mga bonggang nag-enjoy sa challenge na ito, ay ang aktres na si Claudine Barretto. Kasama ang kanyang BFF na si Janelle Jamer, ay sumabak si Claudinde sa Jojowain o Totropahin challenge.

Image Credit via YouTube

Sa challenge ngang ito, ay diretsahang sinagot ni Claudine kung sino-sino sa mga nag-gagwapuhang male celebrities ang type niyang maging dyowa, o kaya naman ay ituturing lamang niya bilang isang kaibigan.

Image Credit via YouTube

Samantala, bago pa man magsimula ang nasabing challenge ay inunahan na nina Claudine at Janella ang madlang pipol, na ang kanilang challenge na ito, ay katuwaan lamang at hindi kailangang seryosohin.

Image Credit via YouTube

Isa nga sa mga male celebrity na nabanggi ay ang ex-boyfriend ni Claudine na si Eric Fructuso, na winner naman ang naging kasagutan ng aktres, dahil ayon sa kanya, ay mas gusto na lamang niya itong maging ka-tropa, dahil pagdating sa relasyon, ay past is past na.
“Jinowa ko na, eh. Totropahin ka na. na-try ko nang jowain so totropahin mo na ngayon”, ani ni Claudine.

Image Credit via YouTube

Kasunod nga nito, ay ang aktor naman na si Carlo Aquino ang nabanggit, na naging agaran ri nag sagot ni Claudine, na yes na yes, dyodyowain niya ito, kahit kapatid pa ang turing niya sa mahusay na singer-actor.

“Kung ka-age ko si Carlo, jojowain, kahit baby brother ang tingin ko sa kanya. Tsaka napakabait ni Carlom sobra”, paliwanag ng aktres.

Jojowain din umano ni Claudine ang acton star na si Robin Padilla, dahil sa kilala niya ang asawa na ito ni Mariel Rodriguez bilang isang napakabuti at napaka-gentleman na tao.
“Kung walang Mariel, ha. Utol ko ‘yan eh. Tropa ko talaga ‘yan. Pero kapag talagang nakilala ko siya, ‘yung tipong talagang keeper. Gentleman’, sey nga ni Claudine.

Ilan pa nga sa mga aktor na nabanggit na ang naging kasagutan ni Claudine ay “ jojowain” niya ay sina, Cesar Montano, Daniel Padilla, Patrick Garcia at Jericho Rosales, Enrique Gil, Edu Manzano, Zanjoe Marudo, Richard Gomez, Richard Gutierrez at Piolo Pascual.

Sey naman ni Claudine, na mas nais niyang “tropahin”, ang mga aktor na sina Joshua Garcia at Gerald Anderson.

Video Credit: Claudine barretto/YouTube

Batid ng marami na si Joshua Garcia ay ang dating boyfriend ng pamangkin ni Claudine na si Julia Barretto, na ngayon ay napapabalita naman na ang boyfriend na ay ang aktor na si Gerald Anderson.




Nang tanungin nga patungkol kay Gerald Anderson sang aktres, ay mabilis ang naging tugon nito ng “no comment.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *