Coco Martin At Julia Montes Usap-usapan Ngayon Matapos Ma-Spottan Na Magkasamang Nagbakasyon Sa Boracay

Mapapa-amin na kaya ngayon ang humored couple na sina Coco Martin at Julia Montes sa kung ano nga ba ang tunay na relasyon nilang dalawa? Ito ay matapos ngang kumalat sa social media ang ilang larawan, kung saan ay nagpapakita na magkasama ang dalawa sa isang Airport na patungo umano sa isla ng Boracay.




Ngayon nga ay usap-usapan muli sa social media sina Coco at Julia, dahil sa apat na larawan na kumakalat ngayon kung saan nga ay makikita na magkasama ang dalawa.

Image Credit via Google

Sa una ngang larawan, ay makikita na nasa counter ang aktres na si Julia Montes, at mapapansin naman na ang lalaking nasa likuran niya ay walang iba kundi ang FPJ’s Ang Probinsyano star na si Coco Martin, kung saan ay may hawak hawak pa nga itong pambabaeng tote bag.

Image Credit via Google

Makikita naman sa ikalawang larawan, ang pagpasok ng dalawa sa isang bahagi ng airport. At sa pagkakataon naman na ito, ay nauna naman ang aktor habang dala-dala nga nito ang kanilang maleta, makikita naman na kasunod nito sa kanyang likuran si Julia.

Image Credit via Google

Nakapila naman sa airport body scanner ang rumored couple sa ikatlong larawan, at ang pang-apat na larawan nga ay nagpapakita nnaman na silang dalawa ay nasa tarmac at tsinetsek na nga ang plain ticket nilang dalawa.

Image Credit via Google

Samantala, ayon nga sa naging ulat ng Bandera, ay wala pa talagang patunay kung sina Coco Martin at Julia Montes nga ba talaga ang na-spottan na ito na patungo ng Boracay. Dahil kita nga sa mga larawan, na hindi maaninag ang mukha ng dalawa, dahil sa suot suot ng mga ito na facemask at faceshield.

Image Credit via Google

Wala namang pag-amin o pagtanggi na sagot mula kana Coco at Julia, patungkol dito, na tila nga ang nais sabihin sa publiko ay “what you see is what you get.”
Base sa mga ulat, ang larawan na ito na kumakalat sa social media,

na iniisip nga ng marami na ang humored celebrity couple ay mula sa larawang ipinost ni @juliam.glow, kung saan ay may caption ito na, “Coco and Julia spotted in Boracay! This made my heart jump in joy and happiness.




Enjoy your vacation our dearest Cocojul [emoji heart].” May bali-balita naman na nagsasabi na nagtungo sa Bora si Julia sa kanyang birthdau vacation, at kasama nga umano ng aktres si Coco Martin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *