Coco Martin Ibinahagi Ang Dahilan Kung Paano Niya Matagumpay Na Nakuha Ang Role Na Cardo Dalisay Sa “Ang Probinsyano”

“FPJ,Ang Probinsyano”, isang palabas sa telebisyon na mapapanood sa ABS-CBN primetime, isa ito sa mga inaabangan ng mga manonood gabi-gabi. Halos apat na taon na rin itong namamayagpag sa telebisyon na kung saan ay ilang artista na rin ang kasama at pumasok dito.

Photo Credit: mr.cocomartin/Instagram




Sa ginanap na Thanksgiving party para sa ikaapat na taon ang pamamayagpag ng seryeng FPJ, Ang Probinsyano ay muling naalala ni Coco Martin kung paano napunta sa kanya ang role ng pagiging si Cardo Dalisay.

Photo Credit: mr.cocomartin/Instagram

Sa kanyang interview sa nasabing pagdiriwang, ay sinabi at ikinuwento ni Coco na “Actually, kinapalan ko mukha ko”…….

Photo Credit: mr.cocomartin/Instagram

“Kasi ako yung nakaisip ng project. Kasi sabi ni Ma’am Charo (Santo). ‘Bakit hindi tayo magtribute sa mga pulis? Kasi that time yung nangyari sa SAF 44, may ibang project ako na dapat gawin.

Photo Credit: mr.cocomartin/Instagram

‘Tapos sabi ko bakit hindi natin gawin yung pelikula ni FPJ noong araw?’. Sabi nila ‘Ano un?’.
At doon nga sinabi ng aktor na magandang ibalik at isabuhay muli ang pelikula ni FPJ na “Ang Probinsyano”, dahil ito’y akmang-akma sa buhay ng ating mga kababayan. Ayon pa kay Coco ang orihinal na kwento ng Ang Probinsyano ay natapos ipalabas ng apat na buwang umere sa telebisyon ang FPJ Ang Probinsyano.

Photo Credit: mr.cocomartin/Instagram

Pagkatapos nga ng apat na buwan kung saan dapat tapos na rin yung kwento dahil yun yung sa orihinal, ay nagpatuloy ang nasabing palabas kung saan nagpatuloy ang kwento nito na mas binigyan pa ng buhay at kulay ng mga karakter na pumasok dito.

Photo Credit: mr.cocomartin/Instagram

Ayon pa din sa aktor, hindi niya akalain na ang serye ng ito ay namamayagpag sa telebisyon at magtatagal ng apat na taon. “Parang kahit kami, hindi naming maintindihan na bakit siya humaba ng humba.

pero hindi pa tapos ang kwento ng teleserye at may mga dapat pang abangan ang mga manonood” saad pa ni Coco. Ngayon nga sa papasok na panibagong taon, ay marami pa umanong pasabog at mga dapat abangan ang mga manonood sa buhay ni Cardo Dalisay.




Na kung sa apat na taong lumipas ang kwento ay umiikot sa buhay,pamilya at pagka pulis ni Cardo, ngayong taon naman ay abangan ang mga pinakamatinding laban pa ni Cardo. Maliban sa pagiging Cardo Dalisay ay si Coco Martin din ang direktor ng programang “FPJ, Ang Probinsyano.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *