Coco Martin May Birthday Surprise Para Sa Kanyang Katambal Na Si Yassi Pressman

Kaarawan ang isa sa mga pinakaimportanteng okasyon sa ating buhay. Isang beses lamang sa isang taon ito nagaganap kung kaya’t talaga namang pinaghahandaan natin ito at kung maaari ay gawing bongga. Noong tayo ay bata pa, kinakailangan talagang bongga ang ating kaarawan at laging may cake na handa dahil ito ang ating pangarap.




Pero habang tayo’y tumatanda, napagtanto natin na hindi naman pala natin kailangan ng bonggang handaan kada kaarawan natin. Okay na sa atin ang simpleng handaan kasama ang ating mga mahal sa buhay. At kung tayo ay nakaka luwag-luwag, nagbabakasyon tayo kasama ang ating pamilya.

Maliban pa rito, sino sorpresa rin tayo ng ating mga trabaho bilang patunay na naalala nila ang ating kaarawan. Pero ano ang iyong magiging pakiramdam kung isang artista ang bumati sa iyo at magbigay ng cake? Ganito ang nangyari kay Yassi Pressman. Nito lamang ay nagdiwang si Yassi ng kanyang kaarawan. At habang nasa set ng Ang Probinsyano, sinorpresa siya ng kanyang mga katrabaho. Isa sa mga highlight ng kanyang birthday ay ang pagbibigay ni Coco Martin ng cake habang kumakanta ng “Happy Birthday.”

Makikita rin sa video na ibinahagi ng manager ni Yassi na si Elle Tagaca ang iba pang mga kasamahan ni Yassi sa Ang Probinsyano. Mapapansin rin ang nakasulat sa cake ni Yassi na “Happy birthday Alyana! Love, Cardo.”

Si Cardo ay ang pangalan ng karakter ni Coco Martin sa programa habang Alyana naman ang kay Yassi. Si Yassi at Coco ay 3 taon nang magkapartner sa programa. Bagamat palaging nauugnay ang dalawa na magkasintahan sa totoong buhay, mariin naman nilang tinatanggi ito.

May mga isyu ring binabato kay Yassi kung saan pinaghihinalaang siya raw ang dahilan kung bakit hindi maayos ang relasyon ni Coco at ni Julia Montes. Nagtataka na lamang si Yassi kung saan raw nanggagaling ang mga spekulasyon na iyon.

Sa ngayon ay tinatawanan niya na rin ang isyu. Kasama ni Yassi ang kanyang buong pamilya para sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan sa El Nido, Palawan kung saan masaya silang nag-swimming at nag-enjoy. Happy birthday, Yassi!




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *