Coco Martin May Mga Koleksyon Ng Mga Mamahaling Sasakyan

Isa sa mga pinakasikat at hinahangaan ngayon ng marami ang aktor na si Coco Martin. Bilang isang magaling na aktor ay marami at iba’t-ibang teleserye at pelikula na rin ang pinagbibidahan ni Coco.

Image Credit via Google




Bukod nga sa pagiging isang magaling na aktor, ay isa ring endorser ng ilang mga product commercial sa telebisyon ang nasabing aktor. Sa ngayon ay abala ang aktor sa pagganap bilang Cardo sa kanyang pinagbibidahan teleserye na “FPJ, Ang Probinsyano”, na mapapanood gabi-gabi sa ABS-CBN.

Image Credit via Google

Hindi nga maitatanggi na si Coco Martin ang isa sa pinaka matunog na pangalan ngayon sa showbiz, kaya naman marami sa kanyang mga tagahanga ang nagtatanong at nais malaman na maliban sa pag-arte at pag-aartista ay kung ano pa ang ibang libangan o pinagkakaabalahan ng aktor sa tuwing hindi siya nakaharap sa kamera.

Image Credit via Google

Marami sa atin ang hindi nakaka-alam na ang iniidolo ng marami sa atin na si Coco Martin, ay mahilig pala sa mga sasakyan, at hindi lang basta sasakyan sapagkat mga mamahaling sasakyan ang kinokolekta ng aktor.

Image Credit via Google

Ilan sa mga koleksyon na sasakyan ni Coco ay ibinahagi niya sa kanyang IG account, na kung saan ay makikita dito ang vintage cars at ang kanyang 4 by 4 cars.

Image Credit via Google

Isa sa kanyang bagong koleksyon, ay ang kanyang itim na sasakyan na sa tantya natin ay maaaring nagkakahalaga ng humigit kumulang 3 hanggang 5 milyong piso. Makikita sa mga larawan na ang mga koleksyon sasakyan ni Coco ay may pag malakas ang mga dating.

Image Credit via Google

Marami nga naman sa atin ang nangangarap na magkaroon ng sasakyan, dahil isa ito sa mga ginagamit natin upang makarating ng maayos at mabilis sa lugar na nais nating puntahan.




Ngunit, sa mga sasakyan na pagmamay-ari ni Coco ay talaga namang mapapasabi ka nalang na “one of a kind” at mapapa “wow” ka sa taglay nitong tikas at ganda at syempre sa mga presyo nito na talagang mga mamahalin.

Umani na nga ng napakaraming likes at reactions ang mga larawan ng sasakyan ni Coco na ibinahagi niya sa Socmed, at marami sa kanyang mga tagahanga ang mas lalo pang humanga sa aktor sapagka’t sa taglay niyang kagwapuhan ay mas lalo pang lumakas ang kanyang appeal dahil sa mga nag-gagandahan niyang koleksyon ng mga mamahaling sasakyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *