Coleen Garcia Naaliw Ng Ipasyal Ang 4-Months Old Baby Nilang Si Amari Na Talaga Namang Overload Sa Kakyutan

Tunay ngang napakabilis ng paglipas ng panahon, lalo na pagdating sa mga sanggol na parang kailan lang isinilang at wala pang kamuwang-muwang, tapos bigla mo na lang makikita na isa ng kaaliw-aliw na bata.




Halimbawa na nga lamang nito ay ang kyut na kyut na baby boy ng mag-asawang Coleen Garcia at Billy Crawford na si Amari, na parang kailan lang ng isilang ng aktres via water birth, at ngayon ay apat na buwang gulang na ito, at talaga namang nakaka-aliw na, dahil sa marunong na itong humalakhak at ipakita sa kanyang mga magulang ang kanyang mga bagong kakayanan bilang isanng sanggol.

Photo Credit: coleen/Instagram

Kamakailan nga lamang ng magbahagi ang proud mommy na si Coleen Garcia, ng mga kyut at nakaka-aliw na mga larawan ni baby Amari, kung saan ay makikita ngang ito ay nakasakay sa stroller habang dahan-dahang tinutulak ng kanyang amang si Billy Crawford, na halatang ipinapasyal ito.

Photo Credit: coleen/Instagram

Kalakip nga ng larawan na ito, ay ang inilagay na caption ni Coleen, kung saan ay isinaad niya na 4-buwan na nga si baby Amari, kaya naman talagang nakaka-aliw na ito at na-iipasyal na nila ito.

Photo Credit: coleen/Instagram

“It was the perfect day for a stroll. Happy fourth month, my baby Amari! #bugaboobee5 #beeinthecity #mybugaboostyle

Photo Credit: coleen/Instagram

Hindi nga naman maikaka-ila na talagang naging hands-on mommy at daddy sina Coleen at Billy sa kanilang anak na si baby Amari, sapaglat kitang-kita sa naturang sanggol ng mag-asawa ang pagiging malusog nito at masiyahin.

Photo Credit: coleen/Instagram

Ilang oras nga lamang ang lumipas matapos i-post ng aktres ang larawan na ito ni baby Amari, ay agad itong dinagsa ng mga komento ng pagbati para sa ika-4 buwan nito.
Narito nga ang ilan sa mga mababasang komento sa comment box;
“Happy 4th month, baby amari.”

“Happy 4th month bebe. Stay Cutieee every day.” Samantala, sa magkaibang post naman sa IG account ni Coleen, sa isag video na ibinahagi ng celebrity mommy, ay ikinuwento nito na bago pa nga tumuntong ng kanyang ika-4 na buwan si baby Amari ay marunong na itong mag-roll ng kanyang sarili.

Dagdag pa ng ani Coleen, marunong na rin maglaro si Amari, kung saan ay natutunan na nitong pindutin ang isa nitong laruang unggoy, kung saan kapag ito’y pinipindot ay lumilikha ito ng tunog at kumakanta.




Ipinakita rin ng aktres, na sa ika-apat na buwan ni Amari, ay nakikita niyang unti-unti ng lumilitaw ang mga unang ngipin ni Amari. Ayon nga kay Coleen ay talagang napakabilis ang paglaki ng kanilang baby Amari.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *