Marami na nga sa ating mga kababayan ang nakikipagsapalarang magtrabaho abroad, kahit pa nga ba kapalit nito ay ang malayo sa pamilya. Ito lang kasi ang nakikitang solusyon ng marami sa atin upang mas mabigyan ng maayos na pamumuhay ang pamilya, dahil dito sa ating bansa kung karaniwang empleyado ka lamang ay halos kulang na pangbuhay sa pamilya ang sahod mo sa isang buwan.
Iba’t iba nga naman ang kwento ng mga OFW o Pinoy na nagtatrabaho abroad, at ilan nga sa kwentong magbibigay inspirasyon sa marami sa atin ay ang kwento ng mga OFW na sa kabila ng hirap ng buhay sa abroad at pagiging malayo sa pamilya ay naging inspirasyon nila ito upang tuparin ang mga bagay na pangarap nila kaya naman sila ay nagtiis sa pagtatrabaho sa ibang bansa.

Tulad na lamang ng nakaka-inspire na kwento ni Ricky Jay at ng nobya nito, na pinatunayan kung gaano katibay ang kanilang relasyon sa pagtupad ng kanilang pangarap para sa kanilang hinaharap na buhay.

Nagtrabaho bilang mga OFW sa Taiwan sina Ricky at ang nobya nito,halos tatlong taon din silang naging factory worker sa nasabing bansa na kung saan ay tiniis nila ang malayo sila sa kanilang mga pamilya upang makapagtrabaho at makapag-ipon para sa kanilang pangarap na buhay.

Ayon kay Ricky ay hindi naging madali ang mga bagay na pinagdaanan nila, pareho silang walang trabaho noon pero dahil sa pagtutulungan nilang dalawa ng kanyang nobya ay natupad na nila ngayon ang isa sa kanilang mga pangarap at ito ay ang makapagpundar ng kanilang bahay.

Ibinahagi naman ni Ricky ang mga bagay na ginawa nila upang sa tatlong taon na pagtatrabaho nila sa Taiwan ay matupad na ang bagay na talagang pinapangarap nila, at ito nga ay ang bahay nila.
1. Dapat kung ikaw ay mag-aabroad ay alam mo kung ano talaga ang dahilan mo upang mas sipagan mo pa ang iyong pagtatrabaho. Hindi nga madali ang buhay abroad ngunit kung gagawin mong inspirasyon ang iyong pamilya ay mas gaganahan ka sa iyong pagtatrabaho.
2. Planuhin at i-budget ang perang kinikita. Isiping mabuti ang lahat ng ginagastusan tulad ng kulang ilang pera ang ipinapada sa Pilipinas, kung ano ung mga expenses mo sa sarili mo at kung magkano ang dapat mong isave sa sahod mo.
3. Maging determinado at consistent sa ginagawang pag-iipon. Kung hindi naman importante ang bibilhin o pag-gagastusan ay ipagpaliban muna ito. Unahing itabi ang perang iniipon bago simulan ang pag-gastos.
4. Pilitin mong mag-ipon hanggat kaya mo o may pinagkakakitaan ka pa. Wag gumawa ng dahilan para hindi mo masunod ang perang dapat mong itabi para sa iyong ipon. Mas madaming dahilan, mas matagal mong matutupad ang pangarap mo.
5. Isa sa pinaka importante sa lahat ay ang magtiwala at maniwala ka sa Panginoon. Tunay nga naman na kung ikaw ay may pananalig at hihingi ng tulong at gabay mula sa Diyos ay hindi ka bibiguin nito na matupad ang iyong mga pangarap sa buhay.
Isang inspirasyon nga naman sina Ricky ang nobya nito sa maraming OFW na naghihirap magtrabaho sa ibang bansa, upang matupad na rin ang mga pinapangarap nila sa kanilang mga buhay.
Makikita nga na talagang epektibo ang ginawa nilang pagtutulungan at pagba-budget ng kanyang nobya dahil sa loob ng tatlong taon na kanilang pagtatrabaho bilang OFW sa Taiwan ay naipagawa na nila ang kanilang pangarap na bahay.