Sa kabila ng pagiging isang single mom ngayon ng aktres na si Cristine Reyes sa anak niyang si Amarah, ay makikita naman na napakasaya ng buhay niya ngayon. At kahit na magkasabay niyang ginagampanan sa kanyang anak ang responsibilidad ng pagiging isang ama at ina, ay ine-enjoy naman ito ng aktres lalo na’t nakikita niya kung paanong lumalaki na isang masayahin at mabuting bata ang anak niyang si Amarah.
Tulad ng ibang mga single mother, ay hindi rin naging madali kay Cristine ang tumayong ina at ama sa kanyang anak, ngunit sa pagdaan ng panahon, ay nakayanan niya nga ito. Sa ngayon ay 6-taong gulang na ang anak niyang si Amarah, ay kitang-kita na namana nito ang kagandahan ng ama niyang aktres dahil napakaganda nitong bata.

Makikita naman talagang malapit ang mag-inang sina Cristine at Amarah sa isa’t isa, ito nga ay base na rin sa madalas na bonding moments nilang dalawa. Samantala, kamakailan nga lamang ay muling nagkaroon ng masayang bonding moments ang mag-ina, at ito nga ay ng sila ay magbakasyon sa napakaganda at mala-paraisong isla ng Boracay.

Sa kanyang Instagram account ay ipinasilip ni Cristine ang naging masayang bakasyon nila ng anak niyang si Amarah sa isla ng Boracay. At sa mga larawan ngang ibinahagi ng aktres, ay masisilayan na sobra nilang inenjoy at sinulit ang panahon na sila ay na napakaganda at nakaka-relaks na lugar.

Agaw-pansin naman sa mga larawan na ibinahagi ng aktres ang kanyang angking kagandahan at kaseksihan, ng kanyang ibida sa isa niyang larawan ang suot niyang bikini outfit.

Kahit nga isang ina na, ay hindi pa rin pinabayaan ni Cristine ang kanyang pangangatawan, at ang patunay nga nito ay ang pagkakaroon pa rin niya ng magandang hubog ng pangangatawan na hanggang ngayon ay hinahangaan at pinapantasya ng marami.

Hindi lamang nga sa loob ng bansa madalas na mag-travel ang mag-inang Cristine at Amarah, dahil marami na ring mga bansa ang kanilang napuntahan at napasyalan, kagaya na nga lamang nito ay ang Finland, France at United Kingdom.
Hindi man nga nakamit ni Cristine ang tunay na kaligayahan sa ex-husband niyang si mixed martial artist na si Ali Khatibi, matapos ngang mauwi sa hiwalayan ang pagsasama nilang mag-asawa, ay masasabi namang masaya ay makulay ang buhay ni Cristine dahil kapiling niya ang anak niyang si Amarah na siya ngang bunga ng naging pagmamahalan nila ng dating asawa.