Customized Van Ni Kim Chiu Talaga Namang Nakamamangha Ang Loob Dahil Sa Mala-Mini House Na Interior Design Nito

Isa sa mga hinahangaang bituin ngayon sa industriya ng showbiz ay ang dating PBB housemates at naging Big winner nito na si Kim Chui, isang simpleng dalaga lamang noon na mula sa Cebu, na ngayon ay isa na sa mga sikat na aktres sa Philippine showbiz industry.




Matatandaan na noong 2006 ng pumasok sa mundo ng showbiz si Kim, ay ito nga ay nagsimula lahat ng tanghalin siyang Big Winner ng PBB (Pinoy Big Brother).

Image Credit via YouTube

Dahil sa angking husay sa pag-arte, pagsasayaw at maging sa pag-awit ay naging sunod sunod ang mga proyekto ni Kim sa telebisyon, mapa-teleserye man ito o malalaking pelikula.

Image Credit via YouTube

Maliban pa sa mga teleserye at pelikula na kanyang ginagawa, ay kaliwa’t kanan din ang mga ineendorsong mga produkto ni Kim, na talaga namang ang iba ay mga sikat at popular na produkto sa ating bansa.

Image Credit via YouTube

Sa taglay ngang kasikatan at katanyagan ni Kim ngayon sa showbiz, ay hindi nga naging imposible sa dalagang aktres, ang naipundar ang mga bagay na pinapangarap niya noon, katulad na lamang ng ipinagawa niyang tatlong palapag na modernong bahay para sa kanyang pamilya, at syempre ang kanyang mga magagara at magagandang mga sasakyan.

Image Credit via YouTube

Isa sa mga sasakyan ni Kim Chiu na talaga namang hinahangaan, ay ang kanyang customized van. Kung saan ay hindi lamang ang panlabas na anyo nito ang maganda, kundi mas lalo na ang loob nito, dahil sa tila ito isang mini-house na ng aktres na Kim Chui.

Image Credit via YouTube

Batid natin na kapag isang aktres, ay talaga namang maraming mga kagamitan ang kinakailangan nilang dalhin, lalo na kung sila ay may mga shooting o taping sa iba’t ibang mga lugar. Kaya naman ang ginawa ni Kim, ay pina-customized niya ang kanyang mini-van, base sa disenyong nais niya, at mga kagamitan na kinakailangan niya.

Image Credit via YouTube

Kamakailan nga lamang ay nagsagawa ang starstudio.ph ng van tour sa customized van ni Kim Chui, kung saan ay talagang marami ang namangha sa ganda ng loob nito, lalo na’t tila isa itong napakagandang mini-house na halos kumpleto na sa kasangkapan.

Image Credit via YouTube

Makikita nga sa loob ng customized van ni Kim na mayroon itong mini makeup/hair dresser, isang aparador na puno ng mga outfits, isang telebisyon na mayroon na ring sound system, at iba pa ngang mga kagamitan na makikita rin sa loob ng tahanan.

Image Credit via YouTube

Makikita naman sa likurang bahagi ng kanyang van ang kanyang mga damit at iba pa nga ng gamit, tulad nalang nga ng kanyang oven.




Ang customized van nga na ito ni Kim, ay tila isang maliit na condominium, kung saan ay maaari kang mahiga sa isang maganda at komportableng kama, kumain ng komportable, at magrelaks habang nanonood ng Tv.

Video Credit: Kim Chiu/YouTube

Tunay ngang napakarilag at nakakamanghang customized van ni Kim Chui, na marahil marami sa mga kababaihan ang nangangarap ng ganito. Ano ang masasabi niyo?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *