Daddy Ni Heart Evangelista Ibinahagi Ang Dahilan Kung Bakit Hindi Nagawang Dumalo Sa Kasal Ng Anak

Sa isang campaign ng isang soft drink brand para sa nalalapit na Father’s day ay ibinahagi ng ni Daddy Rey Ongpauco (ama ni Heart Evangelista), ang kanyang dahilan kung bakit noong kasal ng kanyang anak ay hindi niya nagawa ng dumalo.




Nalalapit na nga ang pagdiriwang ng Father’s day para sa ating mga minamahal na ama, at para nga sa pagdiriwang na ito ay nagrealease ang Coca-Cola, isang soft drink brand ng isang special video na pinamagatang “Heartfelt Times with The Family”, kung saan ay tampok dito ang mag-amang Heart Evangelista at Rey Ongpauco.

Image Credit via Google

Dito ay nagbonding ang mag-ama, kung saan ay nagluto sila ng crispy pata habang nagkukwentuhan ng masasayang ala-ala nilang dalawa, lalo pa’t daddy’s girl si Heart.
“He was not really the type na super malambing. With his cooking, that how he shows that he really loves us”, saad ng aktres.

Image Credit via Google

“It’s just having solid time together’, dagdag pa nito. Dito napag-usapan ng mag-ama ang hindi nila pagkakaunawaan noon, lalo na pagdating sa buhay pag-ibig noon ng aktres.

Image Credit via Google

Matatandaan nga na noong ikinasal ang aktres sa kanyang asawa ngayon na si Senator Francis Chiz Escudero, ay hindi sumang-ayon ang kanyang mga magulang sa relasyon niya dito kaya naman hindi dumalo ang mga ito sa kasal, at mag-isang naglalakad si Heart patungo sa altar.

Image Credit via Google

“Siguro mga three years kaming nag-aaway nito, hindi kami nag-uusap”, kwento ng ama ni Heart. “Kung ama ka, kung maari lang sayo tumira ang mga bata, habang buhay”, dagdag pa nito.

Image Credit via Google

“Syempre kapag anak mo na ang humingi sayo, hindi mo matanggihan kahit nahihirapan ka, gagawin mo”. “Gusto mo lang na may lugar kang pinupuntahan, may bahay ka na lahat ng tao dun masaya.’

Image Credit via Google

“Pag matanda na kami, may pagka-sentimyento kami. Naghahanap kami sa inyo, mga pagmamahal niyo.” Kahit pa ng aba bumukod na ng tahanan ang aktres sa kanyang mga magulang, ay hindi naman nawala ang pagmamahal at respeto niya sa mga ito kaya naman, matapos ang ilang taon na hindi nila pagkakaunawaan ay nagkaayos rin sila ng kanyang mga magulang.

“No Ng nag-away kami, I really felt a void in my life. It was so hard for me because having a solid family really matters to me so when I lost my family, I was lost as a person”, saad ni Heart.

“We just started out like before, parang I was like a little girl again, we just get each other so much now.” “It’s really important na you spend time with the family, creat lots and lots of memories kasi I guess we’re just passing through this world.”




“Yun naman din ang mababaon natin at the end of the day.”
“Yun talaga ang totoong kayamanan sa buhay, it’s family and moments”, dagdag nga ng aktres.

Hindi man nga nakadalo ang ama ni Heart sa isa sa pinaka-espesyal na araw sa kanyang buhay (kasal), ay hindi na rin ito mahalaga sa aktres sa ngayon. Dahil ang mas mahalaga sa kanya, ay sa kabila ng ilang taon nilang hindi pagkaka-unawaan ng kanyang ama ay naging maayos na sila ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *