Dahil Sa Checkpoint Nahanap Niya Ang Kanyang Pang Habang Buhay Na Pag Ibig

Matagal ka na bang single? Excited ka na bang makita ang The One? Ang makakasama mo hanggang sa pagtanda? Anu-ano ang mga paraan na ginawa mo para mahanap mo siya? Siyempre, iba nga naman ang magkaroon ng kasintahan na masasandalan mo at makakasama mo palagi, hindi ba? Naniniwala ka ba sa tadhana? O pag-ibig sa unang pagkikita? Kung hindi, baka maniwala ka na.


Image courtesy: Clarisse Lazaro Jao Saddaramil facebook account




Isang love story ng pulis at guro ang nag-viral ngayon sa Facebook dahil sa kakaibang paraan ng kanilang pagkikita at pagmamahalan. Ang pag-ibig nga naman, kapag tinamaan ka, wala ka nang magagawa. Ayon sa Facebook post ng Facebook page na “Buhay Lespu,” nagkakilala raw ang pulis na si Moh Amir Cruz Saddaramil at ang gurong si Clarisse Lazaro sa isang checkpoint.


Image courtesy: Clarisse Lazaro Jao Saddaramil facebook account


Image courtesy: Clarisse Lazaro Jao Saddaramil facebook account

Nakaduty noon si Moh sa isang checkpoint habang isinasagawa nila ang “Oplan Sita.” Nagkataon rin noong panahong iyon na napadaan ang gurong si Clarisse sa checkpoint kung kaya’t pinara siya ng mamang pulis. Ayon pa kay Clarisse, nagalit nga raw siya noon dahil sinita siya. Hindi raw nakuha ni Moh ang pangalan noon ni Clarisse pati na rin ang kaniyang plate number ngunit salamat sa Facebook, hinahanap niya ang kanyang profile. Natuwa si Clarisse nang malamang nag-abala pa si Moh para hanapin ang kaniyang profile sa Facebook.

At doon nagsimula ang kanilang pagmamahal at matapos nga ang isang taon ay nagpakasal na ang mamang pulis at ang guro. Narito ang buong post: “Na meet ko siya sa Oplan sita dahil nga nagmomotor din ako then ayun hinanap niya name ko sa facebook di ko akalain tinadaan niya talaga pangalan ko, laking gulat ko nung ni-add niya ako sa facebook syempre ako din naman natuwa!


Image courtesy: Clarisse Lazaro Jao Saddaramil facebook account


Image courtesy: Clarisse Lazaro Jao Saddaramil facebook account

Ayan yung actual picture talaga na nasita ako kasi kailangan nila i-comply lahat ng ginagawa nila tas ako yung kauna-unahang na checkpoint, Nainis nga ako nung time na nasita nya ako di ko nakita last name niya hahaha para natandaan ko haha etc…at ngayon kakakasal lang namin!” Ito talaga ang sinasabi nilang, “Sana all!”




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *