Dahil sa “Kadenang Ginto” Dimples Romana Nakabili Ng Magandang Condominium Sa Makati

Noon ay isa lamang sa mga pangarap ng aktres na si Dimple Romana, ang magkaroon ng magandang condominium sa Lungsod ng Makati. Ngunit ngayon, dahil sa kanyang kasipagan at determinasyon, ay pinatunayan muli ng aktres na hindi imposibleng matupad ang pangarap niyang ito.



Pinasilip ni Dimple, sa kanyang latest vlog na ang pangarap niya lamang na condominium noon sa Makati ay kanya ng nabili. At sa pamamagitan ng isang “condo tour”, ay makikita natin ang itsura ng loob ng condominium ng aktres.
Image Credit via YouTube
Sa latest vlog ni Dimples, ay isa-isa nga niyang ibinahagi kung ano ang magiging plano niya, sa interior design ng kanyang bagong condo.
Pagbabahagi ng aktres, ang nais niyang mga kulay para sa loob ng kanyang condo ay white, beige, at bone color.
Image Credit via YouTube
Ibinahagi rin ng aktres, na kahit wala pang anumang kagamitan ang kanyang kusina, katulad ng ref o stove, ay nakaramdam na siya ng excitement na makapaglaro rito.
Image Credit via YouTube
Ipinakita rin ni Dimples, ang dining area ng kanyang biniling condo, kung saan ayon sa kanya, ay isa ito sa paborito niyang parte ng condo dahil sa matatanaw mula rito ang napakagandang view ng Makati.
Image Credit via YouTube
Ayon nga sa aktres, hindi pa napapa-renovate ang bago niyang billing condo, dahil sa bawal pa umanong galawin ang orihinal na imprastraktura nito. Magkaganoon man, ay paunti-unti na niyang nilalagyan ito ng mga kagamitan.
Image Credit via YouTube
Para naman sa aktres, ay malaki ang naging pasasalamat niya sa ABS-CBN at Dreamscape.Ito ay dahil sa naging parte siya ng most hit series na “Kadenang Ginto”, at ang condominium niyang ito ang siyang naging bunga ng pagiging isa niyang “Daniela Mondragon”, sa nasabing serye.
Image Credit via YouTube
“Noong binili naming ‘to, it was during “Kadenang Ginto”. Kaya napakalaki talaga ng utang na loob ko sa Dreamscape at ABS-CBN family. Itong property na ‘to nabili because of “Dani Girl.”
Image Credit via YouTube
Ibinahagi rin ng aktres, na para sa kanya, ay mahalaga na ang perang kanyang pinag trabuhaan ay mapupunta sa mga “bigger goals” niya sa buhay, at hindi sa mga luho lamang sa buhay.
Image Credit via YouTube
“Never kong inakala na makakabili ako ng property dito, pero dahil sa pagsisikap, pagtitiyaga, pagdadasal, at pagtitiwala ng mga tao sa talento ko, naging posible ‘yon. Kaya sobrang grateful ko talaga.” Ang naging pag-amin nga ng aktres.



Sa huling bahagi naman ng vlog, ay nagbigay ng mensahe si Dimpes para sa mga taong nangangarap na nais itong makamtam sa buhay. “Napaka-importante ng imagination nation. Kapag nangarap tayo, since libre naman, mangarap na kayo ng malaki at mataas.”
https://www.youtube.com/watch?time_continue=1&v=76QCvMSjNzA&feature=emb_logo
Ang mag-asawang Dimples Romana at Boyet Ahmee ay kilala na mahilig bumili ng mga property, at isa nga sa mga bago nilang property ay ang condominium nila sa Makati. May ilan pa ngang property ang mag-asawa, na minsan na ring ipinakita ng aktres sa kanyang vlog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *