Dahil Sa Kanyang Katapatan Nakatanggap Siya Ng Malaking Pabuya Galing Sa Isang Foreigner

Ano ang gagawin mo kapag nakapulot ka ng bag na may limpak-limpak na salapi?
Bihira na lamang ngayon ang mga taong tapat. Laganap na sa mundo ang kasamaan, krimen, at kung anu-ano pa. Bilang na lamang ang mga taong may mabubuti at ginintuang puso. At isa na nga rito ang taxi driver mula sa Quezon City na si Lino Beruico.

Video Credit: Raffy Tulfo In Action/YouTube




Trending ngayon sa social media ang kwento ng katapatan ni Lino na isang taxi driver matapos siyang itampok sa program ni Raffy Tulfo. Ipinamalas ni Lino ang kanyang katapatan ng isaoli niya ang bag ng Koreanong negosyanteng nagngangalang Yeong Seon Cho na nagmula pa sa Incheon, South Korea. Sumakay raw si Mr Cho ng taxi ni Lino at hindi niya namalayang naiwan niya pala ang kaniyang bag na naglalaman ng kanyang pasaporte, dokumento at P200,000.

Video Credit: Raffy Tulfo In Action/YouTube

Nang makita ito ni Lino, naisip niyang iuwi muna sa kanila ito at ipagpabukas na lamang ang pagsasauli. At para mas mapadali ang kaniyang paghahanap sa may-ari, tumungo siya sa programa ni Raffy Tulfo sa News5 upang humingi ng tulong para mahanap ang may-ari ng bag. Sa kabutihang palad, ang may-ari pala ng bag ay kliyente ng isa sa mga kumpanya ng News5 na Philex Mining Corporation kung kaya’t naging daan ito upang mas mapabilis ang paghahanap sa may-ari.

Photo Credit: Raffy Tulfo In Action/YouTube

Hindi lubos maisip ng 64-taong-gulang na Koreano na may nagsasauli pa ng kanyang bag na may ganoong halaga. Labis na naman ang kanyang tuwa at pasasalamat kay Lino dahil sa katapatan nito. Hindi na na tampok sa programa ang Koreano dahil kinakailangan niyang lumisan ng bansa sa araw ding iyon kung kailan napulot ang kaniyang bag kung kaya’t nagkaroon na lamang ng maliit na turn-over ceremony sa backstage.

At bilang gantimpala, binigyan ng koreano si Lino ng P20,000 dahil sa katapatan nito. Sa sobrang tuwa ni Lino ay hindi na niya mapigilang maluha sa kanyang natanggap na pera. Malaking tulong raw ito upang hindi na siya mamroblema sa pagbabayad ng kanyang upa sa tinitirhan niya. Nakakatuwa lang na may mga ganitong klase pa ng tao katulad ni Lino at nararapat lamang na siya’y bigyan ng pabuya.

Video Credit: Raffy Tulfo In Action/YouTube




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *