Dahil Sa Sipag at Tiyaga Ng Isang Fishball Vendor Matagumpay Na Napagtapos Sa Kolehiyo Ang Kanyang Apat Na Anak

Kamakailan lamang ay naging viral sa social media ang isang tatay na nagpupursige na magtinda ng iba’t ibang mga street foods, tulad ng kikiam, fishball, kwek-kwek at palamig sa kalye, ito ay upang sa kabila ng hirap ng buhay ay mairaos niya ang pag-aaral ng kanyang apat na anak at mapagtapos niya ang mga ito.




Ang kahirapan, kailanman, ay hindi magiging hadlang sa isang taong marunong magsumikap sa buhay, upang magawang tuparin ang kanyang mga pangarap, tila ganito nga ang naging “motto” sa buhay ng ama na ito, na nagawang pagtapusin sa kolehiyo ang kanyang apat na anak, sa pamamagitan ng kanyang pagiging isang fishball vendor.

Image Credit via Google

Nag-trending online ang Facebook post ng isang proud na anak, na kinilalang si Girlie Versoza, ng ibahagi niya sa kanyang post ang kasipagan at pagpupursige na ginawa ng kanyang mga magulang, lalo na ng kanyang ama, upang silang apat na magkakapatid ay makapagtapos lahat sa kolehiyo.

Image Credit via Google

Ibinahagi nga ni Girlie na silang magkakapatid ay namulat sa kahirapan, dahil mula pa ng sila ay elementarya, ay pagtitinda ng mga streetfoods ang ikinabubuhay ng kanyang mga magulang upang matustusan ang pang araw-araw nilang pangangailangan.

Image Credit via Google

Kwento pa nga ni Girlie, dahil sa ikinabubuhay ng kanyang mga magulang ang pagiging fishball vendor, ay madalas silang nakakaranas ng pagpapahiya ng kanilang mga kaklase, ngunit dahil sa mga mabubuting payo at pangaral sa kanila ng kanilang mga magulang, ay natutunan nilang magkakapatid na balewalain ang mga pagpapahiya at pang -iinsulto na ibinabato sa kanila.

Image Credit via Google

“Anak, kung anong meron ka wag mo ikahiya… wag mong ipilit na mag-astang mayaman para lang kaibiganin ka ng ibang tao… maging natural ka lang”, ang madalas ngang payo ng ama ni Girlie sa kanilang magkakapatid.

Image Credit via Google

Makikita rin sa naging post ni Girlie, ang kanyang naging pasasalamat sa kanyang mga magulang, na ayon sa kanya ay maraming gutom at pagpapahiyang tiniis, upang maitaguyod lamang ang pag-aaral nilang magkakaptid hanggang sa sila ngang lahat ay matagumpay ng makapagtapos sa kolehiyo.

Image Credit via Google

“Maraming salamat sa Papa ko at Mama ko… Alam ko po na marami kayong gutom na tiniis…Maraming panghihiya ang pinaraya… maraming araw na tirik man ang araw tiniis pa rin kahit nahihilo na… puyat at pagod na… pero lahat ginawa mapatapos lang kami sa pag-aaral… Maraming maraming salammat po…”

Image Credit via Google

At ngayon nga na silang apat na magkakapatid ay nakapagtapos ng lahat sa kolehiyo, ay mas ipinagmamalaki pa ni Virgie, na siya ay isang anak ng Fishball vendor, ito ay dahil ang hanap-buhay na ito ng kanyang mga magulang ang naging paraan ng mga ito, upang silang apat na magkakapatid at igapang ang pag-aaral hanggang sila nga ay makapatapos ng lahat sa kolehiyo.

Tunay nga nama na kahit anong hanap-buhay pa ang mayroon ka, basta ito ay marangal at wala kang ibang taong tinatapakan, ay hindi mo ito dapat ikahiya.

Narito nga ang isa sa mga talagang pagmamalaking post ni Virgie sa kanyang Facebook;
“Grabe pala ‘SINONG NAGSABI NA FISHBALL LANG’ kung apat na kolehiyo ang nakatapos ng dahil dun…. Masasabi ko lang talaga…




na walang trabaho na MARANGAL ang dapat ikahiya… kung maliit lang ang mundo sa estadong meron ka….mas lalo mong ipagmalaki..dahil inggit lang sila dahil kung minsan kung sino pa may maayos na katayuan sa buhay….

Sila pa yung ayaw magsipagtapos ng pag-aaral… Pero ikaw..kahit na anong pangmamaliit sa akin.. may diploma na ako… sisigawan ko na lang sila… “HOY.. ng dahil sa Fishball natapos akong mag-aral… at yun ay hindi nilalagyan ng LANG.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *