Dalawang Award Winning Directors Pinuri Ang Galing Sa Pag Arte At Kagandahang Ugali Ng Vivamax Actress Na Si Angeli Khang

Isa sa mga baguhang sexy star ngayon si Angeli Khang, at sa kabila ng kanyang pagiging bago sa mundo ng show business ay ikinukumpara na nga ang kanyang acting ability sa multi-awarded actress na si Jaclyn Jose.




Matatandaan na ang husay ni Jaclyn sap ag-arte ay unang napansin ng film critics nang ang aktres ay bumida sa “White Slavery at Private Show” mga pelikula noong taong 1986. Samantala, ang galing naman ni Angeli Khang bilang isang aktres ay napansin ng bumida siya sa pelikulang “Silip sa Apoy.”

Photo Credit: angelikhang_/Instagram

“Laging ikinukuwento sa akin ni Direk Mac [McArthur] Alejandre si Jaclyn Jose pero never niyang sinasabi nap nakikita niya si Jaclyn sa akin and I think, ngayon na sinasabi nila, nagkakatugma-tugma na lahat”, ito nga ang naging reaksyon ng sexy syar ng siya ay makapanayam ng Cabinet Files, at hingiin nga ang kanyang reaksyon tungkol sa naging pagkukupara sa kanya ng entertainment press sa batiking aktres na si Jaclyn Jose.

Photo Credit: angelikhang_/Instagram

Ang direktor ng naging pelikula noon ni Angeli na “Silip sa Apoy” ay si Direk Alejandre, na siya rin ngang magdi-direk ngayon sa bagong pelikula ng sexy actress na “Wag Mong Agawin ang Akin”.

Photo Credit: angelikhang_/Instagram

Ang direktor na si Alejandre ay isa sa mga mahuhusay na direktor, kung saan siya nga ay naparangalan pa noong Samskara International Film Festival bilang best director sa kanyang pelikulang “Tagpuan.”

Photo Credit: angelikhang_/Instagram

Samantala, pinupuri nga ng award-winning director ang taglay na ugali at talent sap ag-arte ng baguhang sexy star na si Angeli Khang. Ayon pa kay direk Alejandre, malaki ang potensyal nig 20-taong gulang na newcomer na si Angeli KKhang na magtagal sa industriya dahil sa kanyang ipinapamalas na husay at magandang pag-uugali.

“Malaki ang potensyal dahil tama ang attitude niya. Ang kanyang willingness to learn at ang kanyang drive to exercise her craft to the fullest ay malaki”, saad ng direktor.
Dagdag pa ng direktor, “Kadikit nito ay ang pagkatao niya. Malaking bagay para sa isang artist ang tamang perspective sa buhay na hindi nawawala ang child-like quality na kahit sa gitna ng chaotic world, name-maintain niya ang child-like innocence. Ganyan si Angeli.




“May bata sa being niya, hindi lang sa puso. Sa buong being niya, name-maintain niya yung a certain degree of purity.“Mabait siya na bata. Naniniwala ako na para maging magaling ka na artist, malaking bagay ang unahin mo ang maging mabuting tao”.

Maliban kay direk Alejandre, ay nakita rin nga ng award-winning director na si Brillante Mendoza ang potensyal ng sexy star ng ito ay kanyang makatrabaho, at nasabi rin ng anito na magiging mahusay na aktres si Angeli dahil sa taglay na abilidad at personalidad nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.