Kuya Will Nag-alok Ng Mamahaling Sasakyan Na Reserba Upang Makatulong Sa Panahon Ng Sakuna

Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang manood ng telebisyon tuwing siesta kasama ng ating pamilya. ito na ang nagsilbing libingan nating mga Pilipino. Marami na ring mga programa sa telebisyon na talaga namang tumatak sa ating mga puso’t isipan. Sa katunayan, ang mga programang ito ang pumapawi sa lumbay at lungkot ng mga kababayan nating nagtatrabaho sa ibang bansa. Isa sa mga kilalang programa na matagal nang tinatangkilik ng masa ay ang “Wowowin.”

Image Courtesy: Wowowin Facebook page




Kilala ang Wowowin dahil sa mga pang-masa nitong mga “games” at syempre sa pagiging galante ni Willie Revillame o mas kilala bilang Kuya Wil. Alam ng lahat kung gaano kalagante si Willie lalong-lalo na sa mga matatanda at mahihirap. Hindi na rin bago sa lahat ang istorya ng buhay ni Willie dahil nagsimula rin ito sa pagiging mahirap hanggang sa maging ubod ito ng yaman.

Image Courtesy: Wowowin Facebook page

Marami na siyang mga ari-arian katulad ng mga bahay, mga sasakyang mamahalin, at dalawang helicopter. Ngunit, para saan nga ba ang helicopter ni Willie? Luho nga lamang ba ito? May dahilan kung bakit bumili ng helicopter si Kuya Will at ito’y para makatulong sa kapwa sa panahon ng pangangailangan. Sa katunayan, nag-aaral siya ngayon para makakuha ng lisensya sa pagkapiloto sa ilalim ng Civil Aviation Authority of the Philippines.

Image Courtesy: Wowowin Facebook page

Sa isang panayam kay Willie habang pumipirma ito ng kontrata para sa Wil2Play mobile app sa Singapore, sinabi ni Kuya Wil na bagamat hindi niya naman hinihiling na magkaroon ng sakuna, gusto niya lang makatulong ang kanyang helicopter sa panahon ng pangangailangan at trahedya.

Bagama’t marami nang natulungan sa kaniyang programa, walang balak si Kuya Wil na pumasok sa pulitika at sinabing hindi niya pwedeng iwanan ang Wowowin. Mas masarap raw tumulong ng taos sa puso ng walang hinihinging kapalit at walang botong nagaganap upang makatulong ka lamang. Masaya rin si Willie dahil lahat panalo sa pamamaraan ng kanyang pagtulong.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *