Halaga Ng Damit Ni Jinkee Pacquiao Katumbas Na Umano Ng Dalawang Motorsiklo

Halos lahat sa atin ay naghahangad ng maayos na buhay kaya naman marami sa atin ang matiyagang nagtatrabaho at nagnenegosyo upang maging komportable lamang tayo at ang ating pamilya. Mahirap kumita ng pera lalo na kung ordinaryong tao ka lamang. Karaniwan, sapat lamang ang iyong nakikita para sa pang araw-araw na gastusin ng iyong pamilya. Hindi naman lahat sa atin ay biniyayaan ng malaking halaga ng pera at alam naman nating hindi rin basta-basta nakukuha ang ganito kundi ito ay pinaghihirapan at pagtiyagaan.

Photo credit: Jinkee Pacquiao/Instagram




Isa na siguro sa mga ganitong tao ay si Manny Pacquiao na nagsimula bilang isang batang boksingero na mahirap lamang, ngayo’y isa na sa mga pinakamayamang tao sa Pilipinas. Dahil sa kanyang kasikatan at husay sa boksing, malaki ang pinagbago ng buhay ni Manny at ng kanyang pamilya. Magarbong-magarbo na sila kumpara ng nagsisimula pa lamang siya.

Photo credit: Jinkee Pacquiao/Instagram

Sa sobrang yaman nila, napakaraming koleksiyon ni Jinkee, asawa ni Pacman, ng mga mamahaling mga bag, alahas, sapatos, at mga kasuotan. Isa na rin marahil ito ang dahilan kung bakit sikat rin siya sa social media. Sa katunayan, may sariling kwarto ang kanyang mga damit at mga alahas. At para mas malaman nyo pa kung gaano na kasosyal ngayon si Jinkee, alamin na lamang natin ang halaga ng damit na kaniyang isinuot nang lumaban ang kanyang asawa noong Hulyo 20 laban kay Keith Thurman sa America.

Photo credit: Jinkee Pacquiao/Instagram

Suot ni Jinkee noon sa laban ng kanyang asawa ang isang damit na kayang bayaran ang isang taong upa mo sa iyong apartment ngayon. Suot-suot ang isang damit mula sa Chanel, nagkakahalaga pala ito ng tumataginting na P155,000! Maliban pa rito, tinernohan niya pa ito ng isang mamahaling bag mula sa Hermes na nagkakahalaga ng 3 milyong piso! Gamit niya naman ang sandals mula sa Christian Dior na nagkakahalaga ng P58,000!
Talaga nga namang malaki na ang pinagbago ng antas ng pamumuhay ng pamilya Pacquiao at patuloy pa rin siyang pinagpapala dahil hindi sila nakakalimot sa Diyos.

Photo credit: Jinkee Pacquiao/Instagram




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *