Danica Sotto – Pingris Ikinuwento Ang Muntikan Ng Maligaw Sa Hiking Adventure Ng Mag Bakasyon Ang Kanilang Pamilya Sa Baguio

Marami sa mga kilalang showbiz personality, ang sinalubong ang Bagong Taon, sa pamamagitan ng pagbabakasyon sa iba’t ibang mga magagandang lugar sa ating bansa, ito ay upang mag-relaks muna para bago matapos ang holiday vacation at bumalik sa mga trabaho ay makapag-enjoy naman kasama ang pamilya.




Kabilang na nga sa mga pinili ang magbakasyona at mamasyal noong Bagong Taon, ay ang pamilya nina Danica Sotto – Pingris. Kung saan, kasama ang kanyang asawa at mga anak, ay nagtungo ang buong pamilya sa Baguio, upang magbakasyon, mamasyal at iparanas na rin ng mag-asawa sa kanilang mga anak ang napakasayang pakiramdam kapag nagha-hiking.

Photo Credit: danicaspingris/Instagram

Ngunit, hindi inakala at inasahan nina Danica, na sa bakasyon nilang ito, ay makakaranas sila ng isang hindi nila malilimutang pangyayari sa kanilang buhay.

Photo Credit: danicaspingris/Instagram

Sa Instagram ni Danica, ay kanyang ibinahagi ang mga larawan na kuha sa naging pagha-hiking nila, kasabay nito ay isinaad niya ang naging karanasan nilang buong pamilya, na talaga namang hindi nila makakalimutan.

Photo Credit: danicaspingris/Instagram

Ayon sa post ni Danica, noong unang araw ng Enero 2021, ay naisipan nilang mag-hiking magpamilya, ito ay dahil sa talaga namang iba ang saya kapag nagha-hiking, lalo pa nga’t sa pagkakataong iyon ay buo silang pamilya na aakyat sa bundok.

Photo Credit: danicaspingris/Instagram

Pero hindi inakala nina Danica, na ang masayang hiking nila, ay makakaranas ng ibang pangyayari. Ito ay matapos nilang maligaw sa mismong lugar na kanilang inakyat, kung saan ay umabot sa 30-minuto ang kanilang pagkakaligaw.

Photo Credit: danicaspingris/Instagram

Dagdag pa nga niya, ay hindi na napigilan na magtalo ng kanilang mga anak, sa paghahanap ng tamang daanan na magdadala sa kanila pabalik ng kanilang campsite.

Photo Credit: danicaspingris/Instagram

Samantala, kalaunan naman ay naalala na umano ni Mark, ang tamang daan kung saan sila dapat bumaba, kaya naman talagang malaki ang pasasalamat niya sa Panginoon, dahil hindi sila nito pinabayaan na tuluyang maligaw.

Photo Credit: danicaspingris/Instagram

Sa kabila ng kanilang pagkakaligaw, ay dumating pa rin naman sa tamang oras ng tanghalian ang pamilya Pingris, kung kaya napakasaya pa rin ng pamilya, kahit pa nga ba dumaan sila sa kaligaw-ligaw na karanasan.

Ibinahagi naman ni Danica, na dahil sa pangyayaring ito ay mas lalo niyang naging reyalisasyon sa buhay, na anumang pagsubok o problema ang dumaan, ay patuloy lang manalig sa Panginoon at huwag mawalan ng pag-asa.

Huwag umano pakaisipin ang mga problema, bagkus ay matuto na hanapan o gawan ito ng solusyon, upang agad na masolusyunan. Patuloy lang ding manalig sa Panginoon, dahil mahal niya tayong lahat, at handa niya tayong gabayan sa ano mang pagsubok na kahaharapin natin sa ating mga buhay.




Kaya naman sa pagsubok na patuloy nating kinahaharap ngayong taon, dahil sa krisis at krisis, ay patuloy lang tayong manalig sa Panginoon, na tayo’y hindi niya pababayaan tulad nga ng hindi niya pagpapabaya sa pamilya ni Danica.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *