Daniel Padilla At Kathryn Bernardo Sinamahan Si Joshua Garcia Pagkatapos ng Party

Mainit pa sa isip ng publiko ang kontrobersiya ng bumabalot kina Bea Alonzo, Gerald Anderson at Julia Barretto. Ito’y matapos pumutok ang balitang naghiwalay sina Bea at Gerald dahil sa post ni Bea Alonzo sa kaniyang Instagram account. Kasabay nito ay kumalat rin ang mga litrato ni Gerald at Julia na magkasama at tila “clingy” sa isa’t-isa. Ito ang naging dahilan kung bakit inulan ng batikos sina Gerald at Julia. Marami na ring mga taong nahila sa nasabing kontrobersiya katulad na lamang ng mga naging kasintahan ni Gerald at ang dating kasintahan ni Julia Barretto na si Joshua Garcia.

Photo Credit: @Roxy_liquigan/Twitter
Photo Credit: @Roxy_liquigan/Twitter




At para mas uminit pa ang mga tao kay Julia, may isang litrato ngayon ang kumakalat sa social media kung saan makikita si Joshua Garcia na kumakain mag-isa sa isang sulok. Sa tweet ni Roxy Liquigan, pinakita nito ang aktor na kumakain mag-isa sa isang table habang nagaganap ang after-party ng ASAP Natin ‘To Bay area na ginanap sa San Francisco, California. Sa magkasunod na litrato na ibinahagi ni Roxy, mag-isang kumakain si Joshua at sa mga sumunod na litrato ay nakunan na nilapitan siya nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Photo Credit: @Roxy_liquigan/Twitter

Isa sa mga nagpainit ng ulo ng mga netizens ay noong malaman nilang bago pa daw ang after-party, sobrang sweet raw ng dalawa sa stage habang nagpe-perform sa San Francisco kasama ang iba pang Kapamilya stars ngunit matapos nito ay naiwan palang nag-iisa si Joshua.

Photo Credit: @Roxy_liquigan/Twitter

Tila wala na rin talagang komunikasyon ang dalawang dating magkasintahan dahil hiwalay silang dumating sa Ninoy Aquino International Airport nang sila’y lilipad patungong San Francisco noong Agosto 1. Matatandaang nito lamang ay kinumpirma ni Gerald na nililigawan nga niya si Julia Barretto. Samantala, sumagot na rin naman si Julia Barretto sa mga paratang sa kanya sa pamamagitan ng kanyang Instagram account at nagbigay pa ng mensahe sa batikang ang aktres na si Bea Alonzo.

Photo Credit: @mjfelipe/Twitter




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *