Daniel Padilla Ibinunyag Kung Sino Ang Unang Babaeng Hinahangaan Niya Sa Showbiz

Nagsimula sa edad na 14-taong gulang sa industriya ng showbiz ang tinaguriang Teen King na si Daniel Padilla.

Photo Credit: imdanielpadillaofc/Instagram




Una siyang sumalang sa pag-arte sa youth-oriented show ng Kapamilya Network na Gimik, dito rin nagsimulang magtuloy-tuloy ang mga oportunidad at proyekto kay Daniel hanggang siya ay makilala bilang isa sa pinakamagaling at sikat na batang aktor ng kanyang henerasyon.

Photo Credit: imdanielpadillaofc/Instagram

Maliban nga sa pagiging sikat ay kilala din si Daniel bilang isa sa mga miyembro ng kilalang Pamilya sa industriya, at ito ay ang pamilya ng mga Padilla na talaga namang marami sa kanila ay sikat at hinahangaan ang galing bilang mga artista.

Photo Credit: imdanielpadillaofc/Instagram

Kahit pa nga mula sa pamilyang sikat na sa industriya, ay pinatunayan ng batang aktor na ang kanyang galing at talento ang kanyang puhunan upang maabot ang karapatang tinatamasa niya ngayon.

Photo Credit: mariajolina_ig/Instagram

Ngayon nga ay nakilala si Daniel bilang isa sa pinakasikat na batang aktor sa industriya dahil sa kanyang ipinakitang galing sa pag-arte at maging sa pagkanta. Sikat at kinikilingan rin ang kanilang loveteam ng kanyang realtime sweetheart na si Kathryn Bernardo.

Photo Credit: mariajolina_ig/Instagram

Ngunit alam niyo ba na bago pa man maging si Kathryn Bernardo ang kanyang magustuhan, ay may isang babae na sa showbiz ang kanyang hinangaan mula pa noong siya ay bata pa.

Sa “Magandang Buhay”, isang morning talk show sa ABS-CBN ay ibinunyag ng Teen King Daniel Padilla kung sino ang babaeng hinahangaan niya noon sa industriya.

Ayon kay Daniel, isa sa mga host ng nasabing show ang hinahangaan niya noon at ito ay walang iba kundi si Jolina Magdangal kung saan ay si Melai Cantiveros at Karla Estrada na ina ni Daniel ang mga kasamahan nito bilang mga host ng nasabing show.

“Totoo yun, nung bata pa ako”, saad ni Daniel. Pinatotohanan naman ito ng ina ni Daniel na si Karla Estrada. Ayon dito ay hinahangaan noon ng kanyang anak ang pagiging colorful ni Jolina lalo pag ito ay nanamit.

” Tuwang-tuwa siya, kasi hindi ba si Jolina, sobrang ang daming palamuti lagi. Ang colorful ni Jolina manamit, natutuwa siya doon.” ang naging pagsang-ayon ni Karla.
Hindi naman napigilan ng host na si Jolina ang magulat at matuwa sa naging rebelasyon ni Daniel na siya pala ang crush nito noon.

Nagpapasalamat ang host dahil sa paghanga sa kanya noon ng batang aktor.
“Ang cute, nahiya naman ako”, ang sambit ni Jolina ng malaman na siya pala ang hinahangaan noon ni Daniel.

Sino nga ba naman ang hindi hahanga sa actress/host na si Jolina Magdangal noon, sa kanyang pagkakaroon ng napakacharming na personalidad at kakaibang porma na mahilig sa makukulay na pananamit na talagang hinahangaan noon ng mga kabataan sa kanyang henerasyon. Kaya naman talagang isa si Daniel Padilla sa mga batang lalaki noon na humanga sa nasabing actress/host.




Sa kasalukuyan si Jolina Magdangal ay nasa industriya pa rin si Jolina Magdangal bilang isa sa mga host ng popular na talk show na “Magandang Buhay”. Siya rin ay kasal na sa kanyang asawa na si Mark Escueta at mayroon ng dalawang anak na sina Pele Iñigo at Vika Anaya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *