Danilo Barrios Masayang Namumuhay Kasama Ang Pamilya

Isa sa mga gwapong miyembro ng male dance group na Streetboys at isang aktor na hinahangaan ng mga kabataan noong 90’s si Danilo Barrios o Danilo Bouffard Barrios, Jr. sa tunay na buhay.

Photo Credit: sbdanbarriosjr/Instagram




Maliban sa kanyang pagiging miyembro ng dancegroup na Streetboys kung saan ay hinangaan siya sa pagsayaw at sa pag perform ng mga magagandang stunts, ay hinangaan rin si Danilo sa kanyang isang pagiging magaling na aktor.

Photo Credit: sbdanbarriosjr/Instagram

Isa sa mga pelikula na lumabas si Danilo ay sa Dekada 70 kung saan ay kasama niya sa pelikulang ito ang Star for All Season na si Vilma Santos. Nakasama rin niya sa pelikulang ito sina Piolo Pascual at Christopher De Leon.

Photo Credit: sbdanbarriosjr/Instagram

Dahil sa taglay na galing din sa pag arte, ay ilang beses din nabigyan ng pagkakataon na lumabas sa ilang pelikula at TV shows si Danilo. Isa sa mga TV shows na kung saan kasama siya ay ang 1999 youth-oriented show na G-mik. Gumanap din siyang Mayor ng Maynila sa Isko Moreno episode ng MMK (Maalaala MO Kaya).

Photo Credit: sbdanbarriosjr/Instagram

Marami pa ngang pelikula sa telebisyon kung saan ay nakita ang galing ni Danilo sa pag-arte. Ilan sa mga ito nga ay ang Dekada 70 at ang Yamashita Treasure, Lastikman, Magnifico at marami pang iba.

Photo Credit: sbdanbarriosjr/Instagram

Ilang taon na ring wala sa industriya ng showbiz si Danilo Barrios, na kung saan ngayon ay masaya siyang kasama ang kanyang pamilya at nagagawa ang mga bagay na nakapagpapasaya sa kanya.

Photo Credit: sbdanbarriosjr/Instagram

Ngayon ay masaya si Danilo na namumuhay ng simple at isang entrepreneur. Ngunit kahit wala na sa industriya ng showbiz, may mga tagahanga pa rin si Danilo na patuloy na sumusubaybay sa mga nangyayari sa buhay niya. Nagpapasalamat ang kanyang mga taga-hanga na kahit iniwan na niya ang showbiz ay aktibo naman ang dating aktor sa social media kung saan nakikibalita ang kanyang mga tagahanga.

Sa kanyang Instagram account nga nitong nakaraan lang ay nag bahagi ang dating aktor ng larawan na kasama niya ang kanyang kaibigan sa showbiz na si Dingdong Dantes.




Ang Kapuso Primetime King na si Dingdong ay isa sa mga matalik na kaibigan ni Danilo kung saan parehas na silang mga happy married man ngayon. Taong 2011 pa ng iwanan ni Danilo Barrios ang industriya ng showbiz at marami nga sa kanyang mga tagahanga ang talagang nakakamiss sa sa dating aktor.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *