Daryl Ong Nag-Propose Sa Kanyang Nobyang Si Dea Formilleza Sa Ikalawang Pagkakataon

Tila nga handa na para sa bagong yugto ng relasyon ang magkasintahan na sina Daryl Ong at nobya niyang si Dea Formilleza. Ito nga ay matapos ang naging wedding proposal ni Daryl sa kanyang nobya na ginawa niya kamakailan lamang habang siya ay nasa kalagitnaan ng pagla-livestream.

Photo Credit: imdarylong/Instagram

Ayon sa ulat, ay talagang pinaghandaan ni Daryl ang sopresang proposal niya na ito sa nobya niyang si Dea Formilleza, kung saan para nga hindi ito makahalata ay nagkunwari siyang abala sa kanyang ginagawa habang patuloy lamang na binabati ang kanilang mga manonood sa livestream nila.




Matapos batiin ni Daryl ang kanilang mga manonood, ay bigla naman niyang ikinuwento ang pagsubok na kinakaharap ng kanyang ina hanggang sa ang tono ng kanyany boses ay biglang nagbago at nahantong sa pagpapasalamat niya sa kanyang nobya na nanatili sa kanyang tabi sa lahat ng oras na kailangan niya ito.

Photo Credit: imdarylong/Instagram

“Gusto ko na rin i-take itong opportunity na ito para magpasalamat sa iyo, sa ginawa mo sa panahon na may malaking pagsubok ang aking pamilya. Thank you so much tinulungan mong gumaan ‘yyung sitwasyon namin”, saad ni Daryl.

Photo Credit: imdarylong/Instagram

Nagbigay mensahe ng pasasalamat rin si Daryl sa kanyang nobya sa pagmamahal nito sa kanya at maging sa kanyang pamilya. Ayon pa sa kanya talagang wala siyang masabi sa kabutihan ng kanyang nobya, at pagkatapos nga niyang sabihin ito ay bigla niya namang inilabas ang isang bagay na nagpagulat kay Dea ito nga ay ang engagement ring.

Photo Credit: imdarylong/Instagram

Sa kabila ng pagkagulat, ay hindi naman na nagpatumpik-tumpik pa si Dea at ibinigay nga ang matamis niyang “OO” kay Daryl, na ang ibig sabihin nga ay handa at sumasang-ayon siya na pakasalan ang kasintahan.

Photo Credit: imdarylong/Instagram

Dahil sa pagkamangha sa pangyayari at labis na kasiyahan na kanyang nadarama ay hind inga napigilan ni Dea ang maiyak, “tears of joy” ika nga.
Hirit naman ni Daryl hindi prank ang proposal niya na ito sa nobya, dahil talaga namang handa na siyang pakasalan ito.




Ayon naman sa magkasinatahan hindi ito ang unang pagkakataon na nag-propose si Daryl kay Dea, dahil noong taong 2016 ay naganap na ang unang wedding proposal ni Daryl sa nobya kung saan wala umanong ibang nakaalam nito kahit ang pamilya nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *