Dating 90’s Aktres Na Si Amanda Page Hindi Pa Rin Kumukupas Ang Ganda

Natatandaan nyo pa ba si Amanda Page? Ang isa sa maituturing na may pinakamagandang mukha sa showbiz noong dekada 90?



Hindi nga lamang ganda ang talagang nabighani sa kanya, kundi maging ang magandang hubog ng kanyang katawan ay nabighani rin, kaya naman noong kanyang panahon sa showbiz ay isa siya sa mga aktres na nagkakaroon ng mga sexy at daring role na mga palabas.
Image Credit via Google
Isa sa mga ginawang proyekto ni Amanda Page ay ang palabas na “Strict ang Parents Ko”, kung saan ay nakatambal niya noon ang aktor na si Gary Estrada. Nakasama rin ni Amanda sa palabas na ito ang mga sikat na komedyante noon na sina, Chiquito at Elizabeth Ramsey, kung saan ang mga ito ang gumanap bilang kanyang mga magulang sa nasabing palabas.
Image Credit via Google
Halos ilang taon ring namayagpag ang karera ni Amanda Page bilang isang sikat na aktres sa Pilipinas, hanggang sa dumating siya sa punto na minabuti niya na hindi muna tumanggap ng mga proyekto.
Image Credit via Google
Tuluyang iniwan ni Amanda Page ang showbiz career niya noong taong 2000, kung saan ayon sa aktres ay mas nais nitong bigyan ng panahon ang pamilya.
Image Credit via Google
Batid rin ni Amanda, na ang buhay pag-aartista ay hindi pangmatagalan, kaya naman mas minabuti niya ang bumalik sa bansa kung nasaan ang kanyang pamilya at doon hanapin ang mas magandang buhay para sa kanya.
Image Credit via Google
Matapos mawala sa showbiz, at manirahan sa ibang bansa ay doon na rin nakapag-asawa ang dating aktres. Isang doktor na nagngangalang Dr. Lee Mendiola, ang napangasawa ni Amanda Page, at sila ay mayroon na ring isang anak na lalaki na pinangalanan nilang Mason. Sa ngayon, ay pokus at hands-on mommy si Amanda sa kanyang anak.
Image Credit via Google
Sa kabila ng kanyang pag-iwan sa showbiz, ay masaya si Amanda sa buhay niya ngayon sa ibang bansa, kung saan ay kasama niya ang kanyang asawa at anak. Paminsan-minsan ay bumisita pa rin si Amanda sa Pilipinas, kasama ang kanyang pamilya upang magbakasyon, kaya naman nagkakaroon din siya ng pagkakataon na mabisita ang ilan sa kanyang mga naging kaibigan noon sa showbiz.
Samantala, kapag nabibisita si Amanda sa Pilipinas, paminsan-minsan ay tumatanggap ang dating aktres ng pag-guesting sa ilang mga show. Kagaya na lamang ng minsang lumabas siya sa telebisyon, ng maging guest siya ng morning talk show na “Magandang Buhay” sa ABS-CBN.



Matatandaan, na lumabas rin ang dating aktres sa ilang episode ng “FPJ, Ang Probinsyano”, ngunit ayon kay Amanda ay hindi ibig sabihin nito ay babalik na siya sa showbiz dahil mas nais pa rin niya na may pokus sa pag-aalaga at pagpapalaki ng kanyang anak, na ngayon ay nag-aaral na.
https://www.youtube.com/watch?v=EmDnqZt6bFk
May ilang mga balita naman ang nagsabi, na isang nurse na ngayon si Amanda sa Staten Island sa New York, ngunit walang kumpirmasyon kung ito nga ay totoo dahil mas nais ng dating aktres na maging pribado ang buhay bilang pamilya sa ibang bansa. Makikita naman sa mga larawan ni Amanda Page, na kahit ilang taon na ang lumipas ay hindi pa rin nagbabago ang taglay nitong ganda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *