Dating Aktor Na Si Ron Morales Ito Na Ang Buhay Ngayon Sa Ibang Bansa

Natatandaan niyo pa ba ang aktor na si Ron Morales? Siya ay isa sa mga mahuhusay na aktor na napapanood natin noon sa mga serye sa telebisyon, ngunit kalaunan ay mas pinili niyang lisanin ang pag-aartista upang magkaroon ng simpleng buhay kasama ang kanyang pamilya sa ibang bansa.




Sa isang panayam noon sa dating aktor, ay ibinahagi niya na hindi naging madali sa kanya ang desisyon niyang iwanan ang pag-aartista, ito nga ay dahil sa minahal na din niya ang trabaho niyang ito. Pag-amin niya, marami siyang sinaalang-alang para magawa ang desisyon na batid niyang mas ikabubuti ng kanyang pamilya.

Image Credit via Google

“It wasn’t an easy decision. And I have a lot of reflection to do, weighed in several factor”, aniya. Dagdag pa niya, “Ultimately as much as I wanted to pursue my craft as an actor when I decided to get married and have a children, I became a husband and a father.”

Image Credit via Google

Ayon nga sa naging paglalahad ni Ron, sa mga naging desisyon niya sa buhay, ay hindi lamang ang kanyang kapakanan ang inisip niya, kundi mas prayoridad na niya ngayon ang kapakanan ng kanyang buong pamilya, lalo na ng kanyang mga anak. Saad pa niya, ang kanyang pamilya ang inspirasyon niya upang lumipat ng bansang Canada at doon na nga mamuhay.

Image Credit via Google

“I had to re-assess my priorities and decided my career had to take the back seat for now.”
“I just prayed and knew that there are reasons in my life that we go through. And the time came to prioritize my family not only to provide for my kids financially but give them a healthy environment and allow them to have more options as the grow up”, ani pa ni Ron.

Image Credit via Google

Sa kasalukuyan ay nasa bansang Canada na ang dating aktor na si Ron Morales, kung saan kasama niya roon ang kanyang buong pamilya, ang misis niyang si Victoria Villamin, at ang kanilang dalawang anak na sina Andres (7) at Anika (4).




Matatandaan na nagsimula sa kanyang showbiz career si Ron Morales noong taong 2007, ito ay nang magwagi siya bilang 1st runner up sa Be Bench: The Model Search 2007. Ang kanyang misis na si Victoria ay nakilala rin niya ng siya ay nasa mundo na ng showbiz, sa mismong istasyon na kanyang kinabibilangan

Taong 2011 ng magpakasal si Ron kay Victoria, matapos nga ang mahabang panahon din nilang relasyon bilang magkasintahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *