Dating Aktres Na Si Beth Tamayo Ikinasal Na Sa Kanyang American Fiancee Na Si Adam Hutchinson

Marami na ring mga celebrity couple na ikinasal sa panahon ng Krisis. Kung saan sa kabila ng kanilang naging simpleng pagpapakasal, gawa nga ng krisis, ay makikita naman natin kung gaano sila kasaya sa piling ng taong kanilang minamahal at sinumpaan na makakasama habang buhay.




Ngayon nga ay panibagong celebrity naman ang nadagdag sa listahan ng mga ikinasal sa panahon ng krisis, at ito nga ay ang dating aktres na si Beth Tamayo.

Photo Credit: bethtamayo21/Instagram

Nito nga lamang ika-3 ng Marso (March 4 sa Pilipinas), ay ikinasal na ang dating aktres na si Beth Tamayo sa Amerikanong si Adam Hutchinson. Ang naging kasal nga ng dalawa, ay ginawa lamang ‘via online’ at naganap lamang sa bahay nila mismo sa Bay Area, San Francisco, California.

Photo Credit: bethtamayo21/Instagram

Ang masayang pangyayari ngang ito sa buhay ng dating aktres, ay kanyang ibinahagi sa kanyang Facebook account. “3.3.2021 [three red heart emojis] Getting married during the pandemic was quite an experience.

Photo Credit: bethtamayo21/Instagram

Ceremony is now online; very limited people to invite (even if it’s already remote) and all of this is happening at the comfort of our own home.
We have used a toolbox as our laptop stand! So classy!”, ang naging una ngang pahayag ni Beth sa kanyang Facebook post.

Photo Credit: bethtamayo21/Instagram

Dagdag pa ni Beth, kapag maayos na at siguradong ligtas na ang lumabas at makihalubilo sa marami ay ipinagdiriwang nila ang masayang kaganapan na ito ng kanyang buhay kasama ang kanyang pamilya at kaibigan.

Photo Credit: bethtamayo21/Instagram

“When it is SAFE, we will definitely celebrate with our family and friends and have the best time ever!”, ani pa ni Beth.

Photo Credit: bethtamayo21/Instagram

Pinasalamatan naman ng dating aktres ang mga taong tumulong sa kanila ng kanyang asawa, upang maging maayos at matagumpay ang kanilang pag-iisang dibdib kahit na ito’y napakasimple lamang.

Photo Credit: bethtamayo21/Instagram

“Wanted to personally thank Hannah Lee for taking the time to join us and help with last minute stuff and taking our pictures. To Nol Cueto for taking care of our flowers! My sister Joanne Odulio – Caldejon who was one of our witnesses and surprised us with an awesome yard sign!

“To Corby and Gina Henkels Lange who officiated. To my in-laws Russ and Julie A Hutchinson [three red heart emojis]




“To my mom Zeny Tamayo who woke up early to watch it behind the scenes. To my coworkers and friends who sent us flowers. To everyone who texted us and sent their best wishes, THANK YOU! We feel the love and appreciate you all! Love you guys!”

Bakas sa mukha ng bagong kasal na sina Beth at Adam ang wagas na kaligayahan, matapos nilang maidaos ng maluwalhati ang kanilang naging pag-iisang dibdib via online wedding. Cheers to Mr. & Mrs. Hutchinson!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *