Dating Aktres Na Si Cristina Gonzalez Ito Ang Napakagandang Buhay Ngayon Matapos Iwan Ang Mundo Ng Showbiz

Noong dekada 90 isa sa mga usong-usong sa mga kaledaryo o di kaya naman ay mga notebooks ay mayroong larawan ng mga nagagandahang aktres na sikat na sikat sa mundo ng showbiz. Dahil sa talagan nauuso noon, ay marami sa ating mga kababayan ang ginagawa pang koleksyon ang mga kalendaryo, notebook, o poster na mayroong ngang mukha ng mga magagandang aktres.




Samantala, isa nga sa mga aktres noon na talaga namang madalas nating nakikita ang napakagandang mukha sa kalendaryo, ay si Cristina Gonzales. Siya ay isa lamang sa mga aktres noong dekada 90 na naging ‘cover girl’ ng mga kaledaryo, at iyo ay hindi na rin talaga nakapagtataka sapagkat si Cristina ay isa sa may pinakamagandang mukha sa mundo ng showbiz noon, idagdag pa ang kanyang kaakit-akit na mestisang kutis.

Photo Credit: cristinagonzalezromuald/Instagram

Si Cristina ay unang naging calendar girl ng sikat na inumin noon na ‘white castle’, kung saan dito na rin siya nadiskubre para maging isang artista. Tulad ng ilan, sa unang pagsabak ni Cristina sa pag-aartista, ay mga mahinhin na role pa nga lamang ang kanyang ginagawa, ngunit kalaunan ay nagkaroon din siya ng lakas ng loob na sumabak sa mga daring roles upang mas lalo pa ngang mahasa ang kanyang husay at galing bilang isang aktres.

Photo Credit: cristinagonzalezromuald/Instagram

Dahil sa pagpapalawig pa niya ng kanyang husay sa pag-arte, ay mas lalo pa ngang dumami ang kanyang mga proyekto. Ilan nga sa mga proyekto na kanyang ginawa ay ang “Matinik na Kalaban” at “Butch Belga Story” noong taong 1995. Nasundan pa ito ng “Bagamundo” noon namang taong 1996.

Photo Credit: cristinagonzalezromuald/Instagram

Sa mga naging proyekto nga ni Cristina, ay hindi maikakaila ang kanyang galing sa pag-arte, at ito ay hindi naman nakapagtataka sapagkat may pagmamanahan naman talaga siya, dahil ang ama niya na si Jose Marie Gonzales ay isang kilalang matinee idol.

Photo Credit: cristinagonzalezromuald/Instagram

Kahit naman namamayagpag sa kasikatan, ay dumating din si Cristina sa punto na nagdesisyon siyang talikuran ang pag-aartista, ito ay upang magsimula ng panibagong buhay kapiling ang kanyang asawang si Alfred Romualdez.

Photo Credit: cristinagonzalezromuald/Instagram

Ang pamilya Romualdez ay kilala sa mundo ng politika, kaya naman si Cristina ay napasok din sa pagiging politiko, kung saan siya nga nagsilbing councilor ng Tacloban noong taong 2007. Dahil sa magandang serbisyo na naibigay niya sa bayan na kanyan pinaglingkuran bilang councilor, ay muli ngang hinalal ng tao si Cristina bilang Mayor, at nanungkulan nga siya magmula taong 2016 hanggang 2019.




Hindi naman maikakaila, na kahit ilang taon na ang lumipas sa kanyang kabataan, ay makikita naman kay Cristina Gonzales ngayon na hindi pa rin kumukupas ang angking nitong kagandahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *