Dating Aktres Na Si Giselle ‘G’ Tongi Ibinahagi Ang Matagumpay Niyang Pagtatapos Ng Kanyang Master’s Degree sa Isang Unibersidad Sa Amerika

Nito lamang nakaraan ay isa na namang bagong tagumpay ang nakamit sa buhay ng dating aktres na si Giselle Tongi o mas nakilala nga ng publiko noon sa mundo ng showbiz bilang si G Tongi.




Sa social media account ng dating aktres nito lamang ika-28 ng Hunyo ay kanyang masayang ibinahagi ang naging pagtatatapos niya ng kanyang Master’s Degree na Master’s of Arts Nonprofit Management graduate school sa Antioch University sa Lons Angeles, United States.

Photo Credit: gtongi/Instagram

Makikita nga sa mga larawan na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account na siya ay nakasuot ng Toga at bakat ang kasiyahan sa kanyang mga kabi sa panibagong tagumpay na kanyang nakamit. Kalakip pa ng mga larawan ay ang video, na naging kaganapan sa kanyang naging pagtatapos, kung saan ito ay isang virtual ceremony.

Photo Credit: gtongi/Instagram

“Looking towards the horizon as I add this humbling milestone under my belt. Graduate school in a pandemic was a certain unexpected and challenging but somehow here we are…. We made it to the finish line!”, ang caption ng aktres.

Photo Credit: gtongi/Instagram

Binati rin ng aktres an kanyang mga kapwa kasamahan na matagumpay ring nakapagatapos at nakamitna nga rin ang inaasam na tagumpay. Pinasalamatan rin niya ang lahat ng mga sumuporta sa kanya, lalo na nga ang kanyang pamilya.

Photo Credit: gtongi/Instagram

“Congrats to all the @antiochuniversitylagraduates on our accomplishment! Am proud to be amongst you all! Salaman (Thank You) to my family for all your love and support!

Photo Credit: gtongi/Instagram

#classof2021 #gradschool #certifiednonprofitprofessional”, dagdag na saad pa ng aktres.
Sa ibang mga larawan pa nga ni G Tongi ay makikita na kasama niya ang kanyang dalawang anak na masaya rin para sa nakamit niyang tagumpay.

Sa kabila ng ilang taon ng hindi pagiging aktibo ni G Tongi sa mundo ng showbiz ay marami pa rin sa kanyang mga kaibigan sa industriya ang nagpaabot ng pagbati para sa kanyang nakamit na tagumpay. Kabilang na nga sa mga ito ay si Dyan Castillejo at Gardy Valenciano.
“Awesome G!!! “, ani Dyan Castillejo.

“So very very very proud of you G!!! Kakataba ng puso!!! God bless you more my friend!”, naging komento naman ni Gary V.




Buwan ng Oktubre taong 2019 ng isapubliko ng dating aktres na si G Tongi ang kanyang pagnanais na muling madagdagan ang kanyang kaalaman , at ito nga sa pamamagitan ng kanyang pagpapatuloy ng pag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *