Dating Aktres Na Si Lara Morena “The One” Ngayon Ng TV host Na Si Paolo Bediones

Inamin na sa publiko ng dating sexy star na si Lara Morena, at TV host na si Paolo Bediones ang totoong estado ng relasyon nila sa isa’t isa.

Image Credit via Google

Ayon kay Lara, una silang nagkita ni Paolo sa isang talk show at ng bumalik siya sa Amerika ay dito na sila nagsimulang mag tawagan ng binata kahit pa nga ba wala pa silang relasyon nito ng mga panahong iyon.

Image Credit via Google

Sa isang naging panayam noon sa dating sexy actress, ay ibinahagi nga nito na hindi nila masyadong inilalabas sa publiko ang kanilang relasyon, kaya naman bihira siyang magbahagi ng mga larawan nila sa social media, ito ay dahil mas nais nila na maging pribado ito.

Image Credit via Google

Ilang taon na rin ang lumipas ng magsimulang maging malapit sa isa’t isa sina Lara Morena at Paolo Bediones.

Image Credit via Google

Matatandaan na pananalita noon na may tinatagong relasyon ang dalawa, dahil sa usap-usapan noon na nagde-date ang mga ito, ngunit hindi lang nais na ilabas ni Paolo sa publiko ang tungkol dito.




Unang inamin ni Lara Morena ang kanilang relasyon, ngunit hindi naman ito agad kinumpirma ni Paolo.

Image Credit via Google

Matapos nga ang “ligawan stage”, ay na naging magkasintahan sina Lara at Paolo, noong taong 2014, na kung saan ayon pa sa dalaga ay isa itong “open secret” relationship”.

Image Credit via Google

Nitong nakaraan nga lamang June 8, sa panayam ng Cabinet Files sa 46-taong gulang na TV host, ay binuksan na ni Paolo ang usapin tungkol sa totoong relasyon niya kay Lara, na halos limang taon na rin.

Nang tanungin nga ang binata kung si Lara na ba ang masasabi niyang “The One”, sa kanyang buhay ay buong pagmamalaki at saya na sinagot ito ng binata ng “Definitely.”

“We have been through many ups and downs in our relationship, but what matters in the end is how much you want to make things work.”

June 7 naman, ng magdiwang ng kanyang ika-46 na kaarawan si Lara Morena o Mylene Sanchez sa totoong buhay, at dito nga ay buong pagmamahal na ipinahayag ng dalaga na ang relasyon niya kay Paolo ang isa sa pinakamagandang regalo na natanggap niya at talagang ipi nagpapasalamat niya.

Para naman surpresahin si Lara sa kaarawan nito, isang video clip ang ginawa ni Paolo para sa dalaga, na makikita sa Facebook page nito. Dahil sa kanyang tuwa ay naging emosyonal si Lara, at taos puso ring nagbigay ng kanyang mensahe ng pasasalamat para sa kanyang kasintahan.




“I can truly say how blessed I am to have such great people in my life!”
“You have no idea how much this birthday gift means to me. It really really exceeded my dreams and expectations.

“Thank you Papa for going above and beyond just to make me smile.”
Mama at Papa, ang malamabing na tawagan nina Lara at Paolo sa isa’t isa.
“Sa kanya ko lang nakita ang lahat ng gusto ko sa isang lalaki,” saad ng dating aktres.

Ibinahagi rin nga ng dalaga, na kay Paolo na niya nakita ang lahat ng pinapangarap niya sa isang lalaki na mamahalin niya. At ang relasyon niya dito ay inihalintulad niya sa isang kayamanan na talagang worth it itago, dahil sa sobrang halaga nito sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *