Dating Aktres Na Si Melissa Ricks Engaged Na Sa Kanyang Non Showbiz BoyFriend Na Si Michael Macatangay

Masayang ibinahagi ni Gretchen Fullido sa kanyang Facebook account noong ika-30 ng Agosto 2020, na ang kanyang matalik na kaibigan na si Melissa Ricks ay engaged na sa nobyo nitong si Michael Macatangay.



Ayon kay Gretchen, ang surprised engagement para sa kanyang kaibigang si Melissa ay ginanap sa Batangas, kung saan ay mga kapamilya at ilang mga kaibigan ng dalawa ang naroroon at nakasaksi nito.
Photo Credit: mellyricks09/Instagram
Ibinahagi nga ni Gretchen sa kanyang Facebook account, ang larawan ni Melissa Ricks kasama ang nobyong si Michael Macatangay, kung saan ay magkayakap ang dalawa, habang masayang ipinakita ng aktres ang kanyang engagement ring.
Photo Credit: mellyricks09/Instagram
Kalakip ng larawan ng magkasintahan ay ang caption ni Gretchen na;
“My dearest @mellyricks09 & Michael Macatangay are engaged!!”
“The intimate surprise engagement happened in Batangas & witnessed by closed family and friends.’’
Photo Credit: mellyricks09/Instagram
“Love you Nini! Finally, Answered prayer! Thank you Lord!!! #engagement #surprise #love #answeredprayer” Hindi rin naman mawawala sa nasabing masayang okasyon sa buhay ni Melissa ang kanyang anak na si Kiear. Si Kear ay anak ng aktres, sa dati nitong karelasyon, kung saan ay ilang taon na rin silang hiwalay nito.
Photo Credit: mellyricks09/Instagram
Para naman kay Melissa, ang pagdating ng nobyo at kanya ng fiancée ngayon na si Michael Macatangay sa kanyang buhay, ay itinuturing niyang “answered prayer” talaga.
Photo Credit: mellyricks09/Instagram
Sa social media account nga ng actress, ay nagbahagi ito ng mensahe para kay Michael, ng magdiwang ito ng kaarawan, kung saan ay lubos umano ang naging pasasalamat ni Melissa sa pagmamahal at pag-aalaga na binibigay nito sa kanya, at maging sa anak niyang si Kiear.
Photo Credit: mellyricks09/Instagram
“Happy Happy Birthday my Love!!! You re my answered prayer.”
“Thank you for showing me love is supposed to be, for taking care of us and I can’t wait to see what the future holds;



“I hope and pray that all of your hopes, prayers, and dreams that you find peace, happiness, and success in all you do. Basta ako, I’ll be right beside you”, ang naging mensahe ni Melissa para sa fiancée niyang si Michael.
Marami naman ang naging masaya para sa aktres, lalo na at matapos ang kanyang naging kabiguan sa kanyang dating karelasyon, ay heto, at sa wakas, ay isang bagong pag-ibig na punong puno ng pagmamahal ang dumating sa buhay niya ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *