Dating Aktres Na Si Rica Peralejo Nagbigay Pasilip Sa Kanilang Napakasimpleng Tahanan

Mula ng mag-asawa at bumuo ng sariling pamilya ang dating aktres na si Rica Peralejo ay mas pinili na nitong iwanan ang kanyang karera sa showbiz, upang mas magampanan niya ng maayos ang kanyang responsibilidad sa kanyang pamilya bilang ilaw ng tahanan.




Sa ngayon nga ay mayroon ng dalawang anak ang dating aktres at kanyang asawa, kung saan sa mga ito nga ibinubuhos ni Rica ang halos lahat ng kanyang oras, dahil mas nais nga niya na siya mismo ang nag-aaruga sa kanyang mga anak.

Image Credit via Google

Samantala, maliban nga sa pag-aasikaso ng gawaing bahay at kanyang pamilya, isa pa sa mga pinagkaka-abalahan ngayon sa buhay ng dating aktres ay kanyang YouTube channel, kung saan ito na nga ay mayroon ng 193k na mga subscribers.

Image Credit via Google

Nito nga lamang nakaraan, ay ipinasilip ni Rica Peralejo sa kanyang YouTube channel ang kanilang simpleng tahanan, sa pamamagitan nga ng isang ‘house tour’ vlog.

Image Credit via Google

Sa unang bahagi ng video vlog ng dating aktres, ay agad na nitong ibinahagi na may ilang mga bahagi sa kanilang tahanan ang kakikitaan ng mga kalat, ito ay dahil nga sa kinakailangan pa nilang mag-ayos lalo na’t matagal nila itong hindi natirhan, ng sila’y magtagal sa Amerika dahil sa lockdown.

Image Credit via Google

Dagdag na saad pa ng aktres, may mga gamit siya na naitabi na pinaplano na niyang ibenta online. Una namang ibinahagi ni Rica ang isang malawak na kwarto sa kanilang tahanan, kung saan ay makikita nga rito ang napakaraming mga aklat at laruan. Ayon sa dating aktres, ito ang nagsisilbing ‘study area’ nila, dito rin niya pinaplano na gawin ang ‘homeschooling’ ng kanyang mga anak.

Image Credit via Google

Ngunit dahil umano sa napabayaan ito,at may mga parte na nga na kinainan na ng anay, ay kinakailangan muna itong dumaan sa renovation, upang mas maging maayos muli.

Image Credit via Google

Pagbabahagi pa ng dating aktres, sa gilid ng nasabing silid ay magpapagawa si siya ng karagdagang espasyo, at dito nga niya ilalagay ang ilan pa nilang mga gamit, kasama na rin ang kanilang washing machine.

Image Credit via Google

Dumako naman si Rica sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan, kung naroroon naman makikita ang kanilang kusina, sala at hapag-kainan.

Ipinakita naman niya ang isang mahabang mesa, na ayon sa kanya ay ito ang pansamantalang ginagamit niya kapag tinuturuan niya ang kanyang panganay na anak, ito nga ay habang hindi pa naaayos ang kanilang study area.

Sa kabila naman ng pagiging magulo pa ng kanilang master’s bedroom ay nagawa pa rin itong ipasilip ni Rica, kung saan ay makikita nga na ito ay isang malawak na silid. Dagdag nga ng dating aktres, pinaplano niya na magpagawa pa ng isang silid, na maari niyang magamit sa pagtatrabaho niya online.

Matapos nga ang ginawang pag-iikot ng aktres sa mga bahagi ng kanilang tahanan, ay ibinida naman nito ang kanilang hi-tech refrigerator, na ayon sa kanya ay kabibili lamang niya kamakailan.

Saad ni Rica, ay nagdesisyon sila ng asawa na bumili ng ganito modernong kagamitan dahil sa mas malaki ang espasyon na maaring paglagyan. Makikita nga sa loob ng refrigerator, na puno ito ng iba’t ibang masusutansyang pagkain. Dito rin itinatago ng dating aktres, ang kanilang mga ‘organic meds’.

Video Credit: Rica Peralejo/YouTube

Kamangha-mangha naman talaga ang hi-tech refrigerator na ito nina Rica, dahil sa isang katok lamang na gagawin ay maari mo ng masilayan kung ano ang nasa loob nito ng hindi mon a kinakailangan pang buksan. Nag-aalarm rin ito sa tuwing ito’y naiiwang nakabukas, o di kaya naman ay matagal na nakabukas.




Talaga namang napa-wow ang maraming mga tagasubaybay ng dating aktres sa hi-tech na kagamitan na ito. Patuloy naman na hinahangaan si Rica Peralejo hanggang ngayon sa kabila ng hindi na nito pagiging aktibo sa showbiz, ito ay dahil sa pagiging natural nito at maging sa pagiging bukas nito sa publiko.

Ang dating aktres na si Rica Peralejo ay kilala bilang isa sa mga mommy na matipid na, wais pa, kung saan mas nanaisin nga umano niyang magastos ang kanilang ipon sa mga bagay o kagamitan na nakakapagpasigla ng kanilang kaisipan at kalusugan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *