Dating Aktres Na Si Roxanne Guinoo Ipinasilip Ang Masaya Niyang Buhay Matapos Iwan Ang Showbiz

Natatandaan niyo pa ba ang dating aktres na si Roxane Ginoo? Unang nagsimula ang kanyang karera sa showbiz industry ng maging isa siya sa mga kalahok ng Star Circle Quest, isa sa mga naging reality-based talent competition ng ABS-CBN noong 2004.




Sa kanyang henerasyon sa industriya ng showbiz, ay isa si Roxanne sa mga popular na aktres noon. Dahil matapos ang kanyang naging kumpetisyon sa Star Circle Quest ay kayrami namang mga oportunidad ang nagbukas ng pintuan para sa dalaga.

Photo Credit: roxanneguinoo/Instagram

Ilan ngang mga proyekto ang kinabilangan at ginawa ni Roxanne Guinoo, kung saan ay madalas niyang makatambal ang dalawang aktor na sina Joross Gamboa at Jake Cuenca.

Photo Credit: roxanneguinoo/Instagram

Matatandaan na taong 2007, ng makamit ng aktres ang isa sa pinaka-malaking proyektong pinagbidahan niya at ito ay ang Natutulog ba ang Diyos na kung saan ay nakapareha niya ang aktor na si Jake Cuenca. Dahil rin sa pagiging magkatambal lagi, ay naging malapit sa isat isa sina Roxanne at Jake, hanggang sa aminin na nga ng dalawa ang kanilang relasyon, ngunit hindi rin nga ito nagtagal.

Photo Credit: roxanneguinoo/Instagram

Minsan pa ngang lumipat ng rival network ang dating aktres, kung saan ay nakagawa rin siya ng ilang mga proyekto sa GMA-7 at TV5, ngunit taong 2015 ay muling bumalik ang aktres sa kanyang home network sa ABS-CBN.

Photo Credit: roxanneguinoo/Instagram

Ilang taon na nga rin nating hindi nasisilayan ang aktres sa ating mga telebisyon, ito ay matapos niyang iwanan ang industriya ng howbiz at magfocus sa kanyang binuong pamilya kasama ang asawang si Angelo Elton Yap.

Photo Credit: roxanneguinoo/Instagram

Taong 2011 ng magpakasal si Roxanne ka Angelo Elton Yap, isa sa mga pinsan ni Tim Yap. Ng mga panahong iyon ay 24-taong pa lamang an dating aktres, samantalang 21-taong gulang naman ang kanyang napangasawang si Angel.

Photo Credit: roxanneguinoo/Instagram

Bata pa man, para sa iba ng mag-asawa ang dalawa ay hindi naman ito naging hadlang para hindi maging masaya ang kanilang binuong pamilya, kasama ang kanilang tatlo ng anak ngayon na sina Sophia, Reine at Reily.

Photo Credit: roxanneguinoo/Instagram

Kahit pa nga ba nagkaroon na ng mga anak ay marami pa rin ang humahanga sa dating aktres. Ang iba nga ay nagsasabi na mas lalo itong gumanda at naging blooming ng maging isa na itong mommy, dahil sa kahit tatlo na ang anak nito ay napanatili pa rin nito an kanyang ganda at kasexyhan.

Samantala, upang makapag-focus at maalagaan nga ang kanyang pamilya, lalong lalo ang kanyang mga anak, sa kabila ng kanyang namamayagpag na karera at popularidad noon sa industriya ay nagawa itong iwanan ni Roxanne na kung saan ay hindi naman ito pinagsisihan ng dating aktres.




Dahil sa ngayon, ay masaya ang dating aktres sa buhay na kanyang pinili. Isang pribado at simpleng buhay na kasama ang kanyang pamilya. Masaya rin si Roxanne ngayon bilang isang hands-on wife at hand-on mommy sa kanyang asawa at mga anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *