Dating Asawa Ni Vhong Navarro Na Si Bianca Lapus May Mensahe Para Sa Kasal Ni Nito

Si Bianca Lapus ay ang unang asawa ng comedian/dancer na si Vhong Navarro, ang dalawa ay ikinasal noong 1998 ngunit ito ay na annulled noong 2008. Ayon kay Bianca ang pagmamahal niya sa kanyang dating asawa ay hindi nawala, ngunit ito ay unti-unting nagbago sa pagmamahal bilang mag-asawa na unti-unting naging pagmamahal na lamang bilang isang matalik na kaibigan.

Image Credit via Google




Nitong nakaraang Nobyembre nga ay muing ikinasal si Vhong Navarro, at ito ay sa kanyang long-time girlfriend na si Tanya Bautista. Nagbigay na naman ng mensahe si Bianca para sa dati niyang asawa.

Image Credit via Google

“Masayang masaya po ako for him and hindi ko din naman na-imagine na he will end up with another girl.”

Image Credit via Google

Naikwento din ni Bianca na bago ang kasal ni Vhong at Tanya, ay magkasama sila nito na kung saan ay binigyan niya ito ng advice na mahalin at alagaan ang panibagong pamilyang bubuuin nito kasama ang asawa nito na si Tanya.

Image Credit via Google

“Basta sabi ko, goodboy na siya and alagaan niya ang new family niya. At mahal na mahal ko siya bilang kaibigan and dad of my first born, “ saad ni Bianca.

Image Credit via Google

Sinabi rin ni Bianca na sa kabila ng mga nangyari sa kanilang pagsasama noon ay bumabawi naman ngayon si Vhong sa kanilang anak.

 

“Vhong maybe late bloomer as a father, but I am proud that he was able to make bawi naman as the kids were growing up. It’s never too late to correct things. We were too young then I know for sure.” Ayon kay Bianca.

Ibinahagi rin ni Bianca na marahil kung noong mga panahong sila ay ikinasal at nagka pamilya ni Vhong ay nasa tamang edad na sila at pareho ng matured, marahil ay hindi sila naghiwalay dahil compatible ang ugali nilang dalawa ni Vhong. Ngunit dahil nga sa kanilang kabataan ng mga panahong iyon, at hindi pa nila alam kung paano talaga ang pagsasama ng isang pamilya ay natapos rin agad ang kanilang pagsasama.




Ngunit masaya si Bianca para kay Vhong, dahil ngayon alam na niya na ang dating asawa ay matured enough na, at handa na sa panibagong buhay nito kasama ang bagong asawa nito upang bumuo ng pamilya. Wala rin umanong pinagsisisihan si Bianca sa kung ano man ang nangyari sa pagsasama nila noon ni Vhong, dahil para sa kanya ang kanilang naging experience ay malaking tulong at parte ng kanyang pagkatao ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *