Dating Beauty Isa Na Ngayong 2nd Lieutenant Ng Philippine Army Reservist

Hinahangaan ng marami ngayon ang dalagang si Zahra Bianca Zaldua, dahil mula sa kanyang pagiging isang beauty queen ay kanyang napagtagumpayang tuparin ang pangarap niyang magsilbi sa ating bansa kung saan ngayon nga ay isa na siyang second lieutenant ng Philippine Army Reserve Force.




Si Bianca ay kinorohan noon bilang Miss Air Philippines 2018, kung kaya marami ang hindi inakala na sa angking ganda at pustura nito ay may kakayahan rin pala itong makipagsabayan sa lakas ng mga kalalakihan.

Image Credit via Google

Ayon sa mga naging ulat, isa sa mga naging dahilan kung bakit ginusto ni Bianca na sumabak sa pagiging reservist ay dahil noong siya ay nag-aaral pa ay nagsanay siya sa ROTC. At dahil nga dito ay tumatak sa kanyang isipan na isa sa mga nais niyang maging tungkulin ay ang paglingkuran ang ating bansa.

Image Credit via Google

Sa social media account ni Bianca ay ibinahagi niya kung gaano kalaking karangalan para sa kanya ang naging tagumpay niya na makamtan ang pangarap niyang maging tagapag serbisyo sa ating bansa, kung saan ngayon nga ay isa na siyang second lieutenant reservist.
“I have been with the Army for 3 years as their host for many events and saw the love they have for the country and it’s people. This is a dream come true and I hope I can influence more of our youth to the people as well”, ani Bianca.

Image Credit via Google

Taong 2016 nga ng maging isang host si Biance sa ‘Senior Leaders Confenernce; ng mga army, at sa halos tatlong taon niyang karanasan na iyon ay mas namulat pa nga siya sa kagustuhan niya na maging isang army reserve. At doon na nga nagsimula siyang maging aktibong miyembro ng Philippine Army Reservist.

Image Credit via Google

Samantala, sa kanya ngang naging matagumpay na pagiging isang second lieutenant ay pinasalamantan ni Bianca ang mga opisyal na tumulong sa kanya at naglaan ng oras na gabayan iya para maging matagumpay siyang maabot kung ano nga ang naabot niya ngayon.

Image Credit via Google




Pinasalamatan rin niya ang lahat ng naniwala at sumuporta sa kanyang kakayahan, lalo na ang kanyang pamilya, na isa sa mga dahilan kung bakit siya nagpatuloy at mas lalo ngang pagbubutihan ang paglilingkod sa ating bayan.

 

Si Bianca nga ay maituturing na isang inspirasyon sa lahat, dahil pinatunayan lamang niya na walang imposible sa isang tao na abutin ang kanyang pangarap basata ito’y kanyang pagsusumikapang abutin. Sa mga gustong maglingkod sa ating bansa, maging magandang motibasyon sana si 2nd lieutenant Zahra Bianca Saldua.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *